Alex's POV
"Sebastian,"
"W-why are you here?" Tanong niya sa mababa at maamong tono. Malayong malayo sa nakasigaw niyang boses kanina sa telepono.
"Ihahatid na kita sa inyo," nilapitan ko siya at inakay. Tinulungan naman ako noong waiter na dalhin siya sa kotse.
Nagpasalamat ako sa waiter at pumasok na rin ng kotse.
Ramdam ko ang titig niya sa akin. Nagsalang ako ng tape at nagpatugtog sa kotse. Doom dada ni T.O.P ang unang kanta.
"What the?! Switch it!"
"Tumahimik ka nga! Wala ka sa teritoryo mo ngayon kaya ako ang masusunod!"
Hindi ko alam kung bakit ko pa pinuntahan ang lalakeng to. Lalakeng nanira at patuloy paring naninira sa buhay namin ni Kuya.
"Listen to me and I will shut the fucking crap up!"
Wala na akong nagawa dahil nailipat niya na ito.
Crooked ni GDragon.
Tumahimik siya at pumikit. Ano to? Fanboy ni GD? =__= Akalain mo nga naman, may tinatagong kabaklaan pala tong gagong to. Sabihin na nating ang walang puso, demonyo, mafia leader at mapaghiganting si Sebastian Sandoval ay iniidolo pala ang isang Kwon JiYong.
Anak ng tofu.
Ipinagmaneho ko siya papunta sa village nila. Masyado itong tago at maraming masukal na daan bago makarating dito.
Napahinto ako ng makitang sarado na ang malaking gate papasok sa village na iyon.
San ko to dadalhin?
Tiningnan ko siya, tulog na pala.
Nag-U-turn ako at pumunta sa isang lugar na bihira lang puntahan ng mga tao.
~~~~~~~~~~
Ng makarating nako sa isang abandonadong park, inakay ko si Seb at iniupo sa isa sa mga benches doon. Wala parin siyang malay, lasing na lasing parin.
Tumalikod na ako at dumiretso sa kotse ko.
Babalik na ko ng condo ko naistorbo pa tuloy ang tulog ko.
Pagkarating na pagkarating ko sa condo ko, bumuhos agad ang malakas na ulan. Oo nga pala, sabi ni Kuya Kim last time may low pressure area na namumuo, naging bagyo na siguro.
Sumalampak na ako sa kama kong malambot at pumikit.
Nakatulog naman ako agad.
~~~~~~~~
"A-alex.."
Nagising ako dahil sa boses na tumawag sa pangalan ko.
"Alex.."
Napatingin ako sa isang pigura na nakatayo sa harap ng bintana ng kwarto ko. Nang paandarin ko ang lampshade na nasa bedside table ko, tumambad sa akin ang duguang lalake..
At ng napagtanto ko kung sino ito, napaatras ako agad.
"Sebastian,"
P-paanong?
"You left me.."
"H-huh?"
Binigyan niya ako ng isang galit na tingin.
"You left me.. unconscious.. I was soaked with and a drunk man approached me.."
Ano ba to? Paano ba siya napunta dito? Paano niya nagagawang tumayo kung duguan siya?
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanficHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?