Chappy 13 ~ His Downfall

144 4 0
                                    

V's POV

Umuwi kami ng Manila kinaumagahan at ang resulta, late kaming lahat sa school.

May detention kami mamaya after class. =__= Ang lupit pala ng teachers dito. Ang daming bumabagabag sa kin simula kagabi. Idagdag mo pa yung pagiging awkward namin ni Alex.

Sige, aaminin ko na, ako lang ang awkward kay Alex. =…= Kung kumilos kasi siya parang walang naganap kagabi. It's not a big deal for her, but for me it is. IT FREAKIN' MATTERS BECAUSE IT WAS MY FIRST KISS! DAMN IT!

She stole it. TT__TT

Lilipat nga sana ako ng upuan pero pinigilan niya ko. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa lesson. ~T_T~

"Oy, V!"

Anak ng tokwa! Nagiging gulatin yata ako.

"O-oh?"

Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Are you okay? Seems like there's something bothering you."

Ninakaw mo kasi yung isa sa mga kayamanan ko. ~T_T~

"Oo naman noh,"

Wag mo muna akong kausapin please. Maawa ka sakin.

At parang narinig niya ang sinasabi ng utak ko dahil humarap na ulit siya sa teacher namin.

Noong nagring na ang bell, dali dali akong lumabas para hindi ako kausapin ni Alex, sakto naman na nakasalubong ko si Ms. Montes, yung mabait naming teacher.

"Good morning, Ms. Montes,"

Ngumiti siya sa akin at nagsalita, "Nga pala, Mr. Lim, tumutugtog ka sa dati mong school, hindi ba?"

Oh? Paano niya nalaman? O_o?

"Opo, bakit niyo po naitanong?"

"Pwede bang tumugtog kayo ng mga kaibigan mo sa Foundation Week ng St. Louis Academy?"

O....O?

"Pwede po ba yun? Nasa St. Andrew Academy po kasi ang mga kaibigan ko."

"Yes, okay lang, magkapatid naman ang may-ari ng St. Louis at St. Andrew,"

Agad akong napangiti at agad na pumayag sa sinabi ni Ms. Montes. Yehey! Matagal na rin kaming hindi nakakatugtog! Excited na ako! May one month pa kami para makapag practice.

"Vince!"

Tatakbo sana ako pero huli na ang lahat dahil nahawakan na ko ni Alex.

"May problema ba?"

Hingal niyang sabi.

"Tumakbo ka ba?"

"SAGOT!"

Napaatras ako dahil sa pagsigaw niya. Nakuha na rin namin ang atensyon ng mga estudyante sa hallway.

"W-wala naman eh,"

"Eh ba't ka umiiwas?"

Hindi ako makasagot.

"Next question, please,"

"Look, if this is about what happened last night, can we just forget about it and move on?"

PAANO KO MAKAKALIMUTAN YON?! FIRST KO NGA YUN EH! TT__TT

Pero tumango nalang ako sa kanya.

"So, okay na tayo ha? Balik na tayo sa dati, okay?"

"Oo,"

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon