Chapter 35 ~ Babe

92 3 0
                                    

Alex's POV

I woke up feeling light-headed. Napahawak ako sa ulo ko. Hala! Lumilindol!

Nakita kong tulog din si Panget sa sofa. Pa-gapang ko siyang pinuntahan at inalog-alog.

"Hoy! Gising! Lumilindol!"

Agad namang napabangon si Panget pero nakapikit parin siya at tahimik lang.

"You're dizzy, hindi lumilindol."

Ah! Kaya pala. Shet. Gutom na ako. Pumunta ako sa kusina at wala akong mahanap na instant. Walang instant coffee, noodles, name it.

Tumakbo ako kay Panget.

"Cook for me."

Dumilat naman siya at tiningnan ako. He smiled then he went to the kitchen.

Napahawak nanaman ako sa ulo ko. Ang sakit talaga.

Naalala ko si Kuya. Kamusta na kaya yun?

Kinapa ko ang iPhone ko. Tae naman, ayaw umandar. Nabasa nga pala to ng ulan kagabi.

Nakita kong nakalapag ang cellphone ni Panget sa lamesa kaya agad ko itong inabot.

"Panget, pahiram ng phone mo." Nagpaalam pa ko eh hawak ko na. He turned to see me then he nodded and smiled.

Tinawagan ko agad si Kuya. Kabisado ko number niya, syempre.

"Hello? -Later babe, I'm talking on the phone. Ah shit! Wag diyan!-"

Base sa mga narinig ko, mukhang ayos lang siya.

"Hoy kuya! Ang landi mo talaga! Kagagaling mo lang ng ospital for crying out loud!"

Narinig kong parang nakikiliting tumawa si Kuya sa kabilang linya.

Lechugas yan, Kuya!

"-Ahaha! God! Stop tickling me babe! Baka hindi ako makapagpigil!-"

Let's talk about KALANDIAN. Langhiya.

"Kuya V! Si Alex to! Hooooooy!"

Naisip kong baka hindi niya ko nakilala dahil ibang number gamit ko. Pero di natinag ang gago at tawa parin siya ng tawa.

"What? Sino ka ulit? Di ko narinig! -Ah! Babe! Wag kang ganyan!"

O____O

"Gusto mo pa ng second round no? Di ka pa ba pagod? Baka mamatay ka sa sobra--"

Pinutol ko agad ang tawag. Nyeta! Bente anyos pa lang siya! Tapos.. Tapos.. Hindi na siya virgin! Argh! Kuya! What have you done?!

Nasapo ko nalang ang noo ko sa sobrang pagkainis.

"Alex, let's eat." Agad akong pumunta sa dining table. Nandidiri ako sa mga pinag-gagagawa ni Kuya. Jusko.

"What happened?" Tanong ni Panget. Kinuha ko ang kutsara ko at sumubo.

"Yung malandi kong Kuya."

Umupo narin si Panget sa harap ko at nagsimulang kumain. May naalala ako. May itatanong nga pala ako sa kanya.

"Ah, may tanong nga pala ako." Hindi siya tumingin.

"Ano yun?" Sagot niya habang kumakain.

"Hinalikan ba kita kagabi?" Nabulunan naman siya. May nabubulunan ba sa sabaw? Sagutin niyo nga ako.

Uminom siya ng tubig at tumingin sa kin pero di sa mata. Likot ng eyeballs niya.

The Player's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon