Alex's POV
Papunta ako ngayon sa SC Office, at itong si V, kanina pa sunod ng sunod sakin. =__=
"Ooh, eto pala ang Library,"
Kanina pa siya ganyan, turo ng turo sa mga offices na nadadaanan namin. =__=
"Hi Vince,"
Leche, isa pa yan, ang daming pabidang higad. -.- Si V naman eh mukhang enjoy na enjoy sa atensyong natatanggap niya. =__=
"Uy, Alex, dami palang maganda dito no? Kung alam ko lang edi sana matagal na kong nagtransfer dito. ^__^"
Hinarap ko siya at tiningnan ng seryoso.
"Ba't ka nga ba lumipat dito, V?
"Oh? Anong nangyari sa 'kuya'?"
"Just answer my question, V."
"Eto naman, galit ka na agad?"
Sandali.
May naiisip akong kapilyuhan.
Hinigit ko si V at pumunta kami sa rooftop ng school. Ini-lock ko yung pinto at isinandal ko siya doon.
Kitang-kita mo sa mga mata niya ang pagtataka.
I grabbed his collar and pulled him closer.
Nanlaki naman ang mata niya. I grinned at his expression.
"Did you miss me, V?"
I gave him my most seductive look. I bit my lower lip and his expression is...
Damn funny..
Ang mata niya, mas malaki pa yata sa owl, at pinagpapawisan din siya.
Nasabi ko na bang may namumuong low pressure area ngayon dito sa Manila kaya malamig ang panahon?
"Yes, I am mad, so damn mad with your actions yesterday, nambibitin ka kasi,"
"H-ha?"
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya na tipong isang maling galaw niya lang ay mahahalikan ko na talaga siya.
Naramdaman ko ang bilis ng paghinga niya.
"Are you here because of me, V?"
"Ah-eh.. s-si a-ano k-kasi.."
Nakita kong napalunok siya.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Ew, basa ng pawis. →_→
At tsaka ko inilapit ang bibig ko sa tenga niya..
"Payback time, Kuya.."
At agad ko nang kinagat ang tenga niya.
BWAHHHAHAHAHAHA! Weakest point ni V ang tenga niya. Doon siya may malakas na kiliti at ewan ko ba, ayaw niyang may humagawak sa tenga niya.
"AAAAAAAHHHHHHH ARAAAAY!"
"BWAHAHAHAHAHAH! KITA MO NA KUYA?! NASA AKIN ANG HULING HALAKHAK! MUWAHAHAHAHA!
"OO NA OO NA! SIGE SAYO NA! TSK."
"AHAHAHAHHAHA!"
"Tumawa ka pa. Magkadysmenorrhea ka sana. =__="
"Ikaw ang nag-umpisa, tinapos ko lang. AHAHAHAH!"
"Tsk."
Umayos na ko kahit tawang tawa pa rin ako.
"Kuya, ba't nga ba lumipat ka dito?"
"Kasi nabalitaan kong maraming magagandang chicks dito."
Binatukan ko ang gago.
"Aray! Ang harsh mo naman! Amazona. =__="
"Sagutin mo kasi ako."
"Bakit, nanligaw ka ba?"
Sinipa ko na talaga siya sa binti.
"Araaaay! Grabe ka na! Abuso na yan!"
"Umayos ka ng sagot, ba't ka nandito?"
Sumeryoso naman ang mukha niya at nagsalita. Sa wakas, makakausap ko na rin to ng matino.
"Si Stephen Perez,"
"What the fck, are you gay?"
At ayun, nakatikim ako ng isang malakas na batok mula sa kanya. =___=
"Me? Gay? Kokonti na nga lang gwapong straight sa mundo, gusto mo pang bawasan ko? Sayang ang genes no. =__="
"Seryoso na Alex, siya si Stephen Sa-"
"Alam ko na yan. =__="
"..Stephen Sandoval. Patapusin mo muna kasi ako.  ̄ˍ ̄"
Sandoval?
"Kuya ni Sebastian."
"Ba't di ko nakilala? Sabi niya Perez siya diba?"
"Mahina lang talaga ang memorya mo. Pang disguise niya yun, syempre! P
Hindi naman siya papasok ng basta basta nalang sa teritoryo ng kalaban. =_="Ba't nandito si Stephen? Eh kung kuya pala to ni Seb, bakit kaklase namin?
"Ilang taon na ba yan?"
"20 na rin, katulad ko."
"Oh, bakit kaklase natin? Ay teka, ikaw? Pano kita naging kaklase?"
"Alam mo namang may dagdag kaming school year sa school namin diba? Ganun din sa school nila sa America,"
"Oh, I see,"
"Kuya, ibig bang sabihin nito.."
"Oo.. isa na siya sa mga magbibigay ng misyon natin.. mas malapit din siya sa atin, kaya hindi tayo makakagalaw ng maayos..mas delikado para sayo.. kaya lumipat ako dito, hindi kita pwedeng pabayaan na mag-isa sa school na to, lalo pa't alam natin kung anong kayang gawin ng mga Sandoval."
"Kuya.."
"I'll never leave you, Alex.."
Hinigit niya ako at niyakap.. Bakit ba kasi kami napasok sa ganitong sitwasyon? Parang gusto ko nalang isiping panaginip lang ang lahat at magigising din ako. Ayoko na. Gusto ko ng kumawala.
"..I'll always protect you.."
************
Author's Note
Okay, another character, Stephen Sandoval/ Stephen Perez is played by Oh Sehun.
Enjoy reading and leave some comments if you like. Vote for this story, too if you find it great. (I wish I can get atleast 10 votes. ^_^) Thank you for reading!~ Pic ni V at Alex.. pasensya na sa epic na pagkaka-edit..
xxThea
BINABASA MO ANG
The Player's Game
FanfictionHindi siya marunong magseryoso. Mahilig siyang maglaro. Wala siyang kinatatakutan. Handa siyang sumugal. Walang siyang binibigyan ng importansya. At magaling siyang magpaikot. Handa ka bang maging laruan para makapasok sa mundo niya? Sa puso niya?