ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 4:𝙱𝚊𝚌𝚔𝚐𝚛𝚘𝚞𝚗𝚍𝚜 𝙰𝚗𝚍 𝙿𝚛𝚘𝚋𝚕𝚎𝚖𝚜

12 4 0
                                    


This is a filler chapter lang, para mas maintindihan niyo yung mga characters natin, but it still holds clues for the next chap so hindi siya waste kung basahin :>

WARNING!

Long ass chapter awaits~ kaya magsikap kayong bumasa~

———

HILLARY BARTOLOME

Bago lang natapos ang meeting namin sa headquarters at andito ako ngayon naghihintay ng cab dahil kakatext lang ni Papa na kailangan niya ng substitute sa presentation niya ngayon at bilang heir ay ako ang nakatoka dito.

Nakakastress ang meeting kasi pupunta kami ng  California para kausapin si Mr. Luccins about sa paglabag ng Caged Tigers, like author said before nasa aming Silent Creepers ang desisyon kung hahatulan ba ng kamatayan si Gyohan Park o hinde.

"Manong Para!" sabi ko sa isang cab na huminto sa harapan ko.

"Saan po tayo Ma'am?" tanong nung mamang driver, pumasok ako sa backseat at binigyan siya  ng tipid na ngiti.

"Sa BAC Building lang ho"

Okay habang nagbiyabiyahe, magkwekwentuhan muna tayo.

Our family is one of the richest families dito sa Pilipinas at well known ang kompanya namin hindi lang dito kundi pati na rin sa labas ng bansa. I have a younger brother named Jeyden Bartolome who is in his junior year in HighSchool, di alam ng parents ko na isa akong miyembro ng Mafia dahil sa mga rason na hindi ko pa masasabi sa ngayon sapagkat masyado akong sensitibo sa topic na yan maski sina Faye di na nagtatanong, let's just say I will gain panic attacks if I do tell you.

As the oldest daughter of the Bartolome clan, nasa akin ang dagdag na pressure at trabaho so ngayon marami akong inaabala tulad ng my studies, mafia, company responsibilities at personal life, lahat iyan nakapatong sa mga balikat ko, mahirap siya sobrang hirap pero nakayanan ko at sanay na rin ako dito.

Pagdating sa office ng Papa ko ay doon bumungad si Papa at ang personal stylist ko.

"Hello dear daughter, pasensya ka na sa abala ha pero sumabay yung meeting ko with Mr. Gomez at kay Mrs. Jarendelle, I'm glad na you have the time." sabi niya at yinakap ako ng mahigpit.

"It's okay dad, naiintindihan ko naman eh." sagot ko, hindi naman masama ang relationship ko sa pamilya ko pero lumaki akong introverted kaya medyo ligaw pa ko ng konti, they know that and masaya ako na naiintindihan nila. "Kaninong meeting ang pupuntahan ko?"

"Kay Mrs. Jarendelle sa 5th floor, your mom's office, Kyla get Hillary her clothes for today"

"yes Mr. Bartolome"

Mom?

"Ba't andito si Mama?" tanong ko habang pinapapili ako ni Kyla ng mga outfit choices, honestly I don't care what outfit I wear, as long as I look presentable and decent, okay na sa akin yun, daming arte.

"kasama mo siya sa meeting with Mrs. Jarendelle, it is very important dear kaya butihin mo and I want you on your best behavior" lumapit si dad at hinalikan ang ulo ko. "can you do that for me?"

"yes dad"

"Good, sige aalis na ako, baka malate pa ako" tumango na lamang ako at tiningnan yung figure niya palabas ng office.

"Ms. Bartolome, nakahanda na ang clothes niyo po" sabi ni Kyla, kaya napatingin ako sa damit na hawak niya.

Isang black simple dress na hanggang tuhod at black velvet heels.

Ba't heels?

"sige Ate Kyla, iwan mo na lang diyan" tumango ito at umalis ng office, kinuha ko naman ang damit at nag-glare sa heels.

𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now