ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 17:𝙲𝚛𝚒𝚎𝚜 𝙰𝚗𝚍 𝙶𝚞𝚒𝚕𝚝

3 2 0
                                    


❥︎ZHENZI LOU HAN❣︎

Pagdating namin sa Pilipinas ay agad akong nakatanggap ng tawag, 2 am in the morning.


"Guys excuse, kukunin ko lang to" sabi ko sa kanila at pumunta sa isang parte ng airport at agad kong tinanggap ito. "Hello?"


"Daughter. How's the sessions with Yohan?"

Si Appa pala, mabuti na lang at gising ako nung tumawag siya kase papagalitan ako nun pag hindi ko siya sinagot kaagad.

"It's doing great Appa, he's a fast learner. You have nothing to worry about." sagot ko habang linalaro ang keychain ng bag ko.

"Good, report to me from time to time, don't make me wait daughter." at pinatay niya na ang tawag.


"Hey Zhen, tara sa condo tayo"rinig kong sabi ni Faye, napangiti ako sa kanila.


"Bili lang ako ng makakain, mauna na kayo" paalis kong sabi, tumango sila at pumasok sa kotse ni Kairo bago nila ito pinaharurot paalis.


Ngayon, anong pwedeng kainin?

Hmm, siguro bibili lang ako ng pizza at gin. Malapit naman sa airport ang favourite pizzaria naming magbabarkada kaya doon na lang ako dumiretso.


Isinuot ko ang headphones ko at nagpatugtog ng 'Paper Hearts', ewan ko pero anlakas ng epek niyang kantang iyan sa'ken eh.


Napatingala ako sa langit at ngumiti, ang ganda. Kumakalat ang sandamakmak na mga bituin sa langit na para bang mga batang naglalaro sa maitim na dagat kasama ang buwan na nagsisilbing araw nila sa gabi.


Nung inalis ko ang tingin ko sa kalangitan ay dumungaw naman ang tingin ko sa isang mag-asawang nag-aalitan sa kalye, siguro lasing ang lalaki kaya ayun nagsisigawan sila.



Kung ano kaganda at kasaya ng langit ay ang pangit at lungkot ng lupa. Problema dito, problema doon. Kailan kaya natin maeeksperyensya ang isang araw na puro kasayahan lamang? walang away, walang problema, walang galit, walang negatibong mga pangyayari.


Nakakalungkot talagang isipin na hangga't hindi mo nararanasang tumalon sa mga ulap ay matitikman mo ang kasamaan ng mundo.


"I hate this part, paper hearts and I'll hold a piece of yours" kanta ko sa sarili ko, napansin kong dumadaan na ako sa isang parke kaya dumungaw din ang tingin ko dun.


Yun nga lang, ay napansin kong may isang taong  naka-upo siya sa isang bench, sinisikatan siya ng isang lamp post at kitang kita ang panginig ng katawan niya habang nakatutok sa cp niya.

Baka iniwan ng jowa


Napahinto ako nung bigla niyang iangat ang ulo niya. I gasped.


"Y-Yohan?"


Di ko alam kung anong sumapi saking demonyo basta naramdaman ko ang sarili kong tumatakbo papunta sa kanya.


May namuong pagsisisi sa dibdib ko habang tinitingnan ko ang luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata niya.


Ako nga ang pumatay sa kambal niya diba?


Masakit damdamin ang dinaramdam ko ngayon lalo na't nakaharap na kaming dalawa.

"Z-Zhen, a-anong ginagawa mo? Gabi na ha" sabi niya habang pinipilit niyang ngumiti. "I-Ikaw ha, sumbong kita kay T-Tito"

𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now