ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 22: 𝙻𝚘𝚟𝚎 𝚊𝚗𝚍 𝙻𝚘𝚟𝚎?

5 1 0
                                    

❥︎MIKAEL LOUIS DEL VANTE❣︎

Kasalukuyan akong nakahiga sa sofa habang hawak hawak ang isang keychain sa mga kamay ko, ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal para sa kaligtasan ni Azura. My Frizzy.

Alam niyo ba ang sikreto ko?

Kung sabagay akin naman tong POV na to, sasabihin ko na lang.

Magkababata kami ni Azura, sa katunayan nga ako ang unang naging kaibigan niya. Sobrang close kasi ng mga parents namin kaya napamahal na din ako sa kanya, oo hindi natural ang buhok niya ngayon, sobrang kulot kase buhok niyan noon, napagkamalan ko pa ngang bulbol sa kilikili yan eh, tas pango siya at hindi perpekto ang mga ngipin niya kase nung bata pa kami ay tigkala-kalahati ang ngiping naalis sa kanya, ewan ko kung bakit. Anyways, nung una ay nadidiri talaga ako sa itsura niya and that was when we were 5 years old, nakilala ko siya nung birthday niya, a year before she met the girls, pero habang nakikilala ko siya, hindi na ako nandidiri kundi minamahal ko ang bawat feature niya kahit may mga kuto siya noon. Sa totoo lang, wala akong pakealam sa panlabas na anyo eh, what matters to me is the goodness of the heart. Kaya nga lang, nagdesisyon sina Mama na doon tumira sa Italy dahil doon lumalaki ang isang branch namin, Azura was devestated na pinipilit sina Mama na huwag umalis, but I had to. Kaya binigyan ko siya ng isang pair ng earings na may isang silver fox design na hanggang ngayon ay suot suot pa din niya, akala ko nakontento siya pero hindi pa pala. She chased our moving car habang umiiyak na huwag akong umalis, hanggang nangyari ang kinatatakutan ko.



Di niya napansing nasa intersection siya, biglang may humarurot na isang sasakyan at binangga siya, tumilapon siya sa isang poste at nawalan ng malay.

Di ko nakayanan at lumabas ako ng kotse at sumigaw ng tulong. She was critical sa hospital nun, malaking sugat ang natamo niya mula sa impact resulting in severe memory loss.

Nakalimutan niya ako, di ko man lang siyang nakitang gising dahil tinuloy namin ang papuntang Italy, at nakita ko lang siya ulit nung time na pumunta kami sa bahay niya.

I was mad at Tita and Tito,  she already experienced being hospitalized tapos ganyan pa ang pagtrato nila sa kanya porket may dalawa siyang kapatid.

I also tried dating other girls pero iba talaga si Azura sa kanila, they are not kind as her, humorous as her, attentative as her, prettier as her. She's my sweetheart, my baby, my soulmate, my lil Frizzy.

At ngayong nalaman kong nakidnap siya, I'm depressed at nanenerbyos kakaisip kung okay lang ba siya o hindi.

Lord give me a sign na okay lang yung Frizzy ko, ang sweetheart ko please.

Napatingin ako sa bunny keychain na hawak ko, binigay niya ito sa'kin nung umalis ako papuntang Italy. Please be safe.

KNOCK KNOCK

Agad akong napabangon at binuksan ang pinto at nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan

"Sorry ginabi kami bro, friendship anniversary kase nila kaya ayun lasing si Azura" sabi ni Grae habang akbay akbay sina Azura at Clarity.

Agad ko siyang kinuha mula kay Grae, ngumiti ako sa kaibigan.

"Thank you bro, super!"sabi ko tsaka nag fist bump sa kanya. "Linigtas mo sweetheart ko"

"Asus, hindi naman siya kinidnap. Nag pasurprise ang lokalokang to" napasimangot naman ako sa sinabi niya pero at the same time I'm relieved. "Alam mo, bukas na lang natin ipagpatuloy ang kwentong ito, sayong sa'yo na to" sabi niya at umalis kasama si Clarity.

𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now