::𝑇𝑖𝑟𝑒𝑑 𝐴𝑛𝑑 𝑁𝑎𝑚𝑒𝑠
❥︎CLARITY VENICE FALCON❣︎
6 years later.
"GRAEEE ASAN KA!?" sigaw ko sa mula sa kwarto namin, eto kasing magaling kong asawa kukuha lang ng apple eh parang pumunta pa siya sa Switzerland, ang tagal tagal eh. "GRAE YUNG APPLE ASAN!?"
Maya-maya ay may narinig akong mga yapak na paakyat sa kwarto at dun iniluwa si Grae na haggard na haggard, malamang ganun kasi 20 hours yung shift niya tas uuwi pa siya at aalagaan ako.
"Sorry babe ha kung natagalan, muntik na kase akong matulog habang hinihiwa to, buti nga at sumigaw ka" ngiti niya sa'kin at umupo sa tabi ko at sinusubuan ako ng apple. I smiled at hinalikan ang pisngi niya.
Hoy baka akala niyo, ginagawa ko siyang katulong at wala akong kwentang asawa, ano kasi, buntis ako sa unang anak namin ni Grae which I'm currently 9 months na at next week ang due. Gustuhin ko man na tulungan siya pero hindi naman nagpapatulong.
Kung tinatanong niyo kung bakit ngayon lang ako bubunyag ng bagong buhay, eh kasi tinapos ko muna ang 6 years kong termino sa London bilang Neurosurgeon, medyo mahirap kasi LDR kami ni Grae pero nakakauwi naman ako tuwing Christmas, at sa mga araw na day off ko(hinihiram ko kasi ang jet ni Ghao Zhan yung asawa ni Kairo), hindi naman buong araw ang duty ko kaya may sapat pa akong pahinga kung pabalik-balik ako.
Anyways back to reality, kasalukuyang hinahalikan ni Grae ang lumobo kong tiyan habang kinakausap niya ito, napangiti naman ako dito at linaro ang buhok niya.
"Baby~ kapag dumating ka na, huwag mong pahirapan si Mama mo ha~ Be nice and gentle" sabi niya.
"Sus nice and gentle, hiyang hiya naman ako sa'yo" sumbat ko, isa itong epekto ng pagbubuntis ng isang babae, we tend to say things our brain thought without knowing.
"gusto mo naman eh" sagot niya sabay wink, ang hot niya pa rin kahit kalahati na ng mukha niya eyebags na ang naninirahan eh, hoho sa 9 months niyang ganyan yung mukha gwapo pa din, tinutukso na nga siya nina Kael eh, isa na raw siyang Panda.
Namula naman ako kaagad at hinampas siya.
"Huwag sa harap ng bata" sabi ko sabay kurot sa tenga niya, natawa naman ito at sinalubong ako sa isang matamis na halik. "Oh sige, matulog ka na, inaantok ka na oh, gigisingin lang kita kapag 11 na, may 3 hours ka pang tulog" sabi ko, tumango naman ito at agad na natulog sa tabi ko.
Hinimas ko ang tiyan ko at ngumiti.
"Baby~ can't wait to see you, don't make me wait ha" malambing kong sabi at napapikit na.
—————
"Baby wait! wait lang baby! hintayin mo si mommy! tatawagin ko lang ang tita Azura mo" sabi ko at namilipit sa sakit, isang oras pagkatapos kong matulog ay naramdaman kong my water broke, eh ginising ko naman si Grae eh naalala ko na tulog mantika pala yun, kaya eto ako ngayon tinatawagan si Azura habang naghihinga ng malalim at tiniis ang sakit. "Baby wait lang ha, sandali lang—AZURA ANO BA SUMAGOT KA!"
Ilang segundo ang lumipas at sumagot na nga ang bruha.
"Hi teh! Musta lablayp—
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Actionʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?