❥︎FAYE AVIENERE CRUZ❣︎
"Teh ang ganda mo!" dinig kong sabi ni Azura at inayos ang buhok ko. I smiled at hinampas siya sa braso. "aray ano ba!? minsan lang ako nagbibigay ng compliment sayo noh, taba taba mo kasi" I gasped tsaka kinurot ko siya sa singit. "YAAAH! GAGA!"
"Shhht! Umayos kayong dalawa" inirapan kami ni Hillary at inadjust adjust ang damit niya, well she isn't comfortable in her purple long sleeved gown. "Ba't pa kasi kailangan ko pang sumuot ng gown eh pwede naman akong sumuot ng feminine suit"
"Dress code teh, dress code" rinig ko namang sagot ni Clarity mula sa isang dulo ng kwarto habang inaayos naman ang sleeve ng kanyang red wine cocktail dress. "Zhen, alam mo kulang na lang sa'yo blonde hair, kamukha mo na si Cinderella"
"Ahh ganun? Sige Azura palit tayo ng buhok" sabat naman ni Zhenzi at tinali ang ribbon sa gilid ng royal blue silk dress niya.
"Ayoko, magsuot ka nalang ng wig" sagot naman ni Azura at pinapagpag ang gold silk dress neto, dapat sana yellow pero ampanget.
"Oh Faye ba't ang tahimik mo diyan?" napatingin ako kay Hillary, ngumiti ako at napatingin sa salamin, as I inspect my forest green silk dress.
"Wala lang, naisip ko lang na ang layo na pala ng narating natin bilang magkakaibigan" sagot ko, napa 'ooooh' naman sila kaya natawa ako sa kanila. "bakit?"
"Wala, nanibago lang sa choice of words mo" sagot ni Azura, ah ganun pala ha. I raised my brow.
"Nanibago ka because?"
Bigla namang sumimangot si Azura at tinapunan ako ng ballpen, ewan ko kung saan niya nakuha.
"Wala na ba talaga akong makausap na matino?" sabi niya sabay sampal ng noo niya.
"And you're asking us because?" dagdag ni Clarity, jusme matatawa na ako rito pag may isa pang sumagot na mala 'Kris Aquino'.
"Syempre kayo ang kinakausap ko!" lutang na sagot ni Azura.
"And you're talking to us because?" pfft, gaga talaga itong si Hillary, baka mamaya hindi na kami papansinin niyang si Azura at baka wala na kaming bagong equipment.
"Argh! Kakainis talaga kayo, I swear—"
"because?" shete ka Zhenzi, namula sa galit si Azura at lumabas ng condo.
SLAM!
Katahimikan
"Oh sinong susundo dun? She looked pretty upset" tanong ni Clarity habang nakapamewang.
"Ikaw kaya dun Faye, ikaw naman ang nauna eh" nanlaki ang mga mata ko at umiling.
"huwag ako, kayo ang bumuntot eh." bala sila, eh sila naman ang nagpatuloy, yung sa'kin ay joke lang.
"Mukhang hindi na kailangan" napatingin naman kami sa pinto nung pumasok si Kael kasama si Azura na nakapout.
"Alright, who made my princess upset?" nagkatinginan kaming apat as we randomly pointed at one another, natawa naman si Kael sabay ayos ng silver tux niya. "Princess, I guess nagsisisi na sila sa pagtukso sa'yo." tawa niya. From sweetheart to princess, hmm ano kaya ang tawag ng future jowa ko sa'kin? Huwag man lang sanang piggy.
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Actionʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?