::𝑆𝑚𝑖𝑙𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝑇𝑤𝑖𝑛𝑠
❥︎AZURA KIM MONTECILLO❣︎
6 years later....
"Miss Linda? Nainom niyo na ba ang gamot ninyo?" tanong ko sa isang matandang babae na nakaupo sa isang wheelchair habang nakangiting tinatanaw ang view habang katabi niya ang nurse na bumabantay sa kanya. "Kailangan niyong uminom para lumakas agad kayo"
Tumingin ito sa'kin at ngumiti.
"Sino po kayo?" tanong niya sa'kin, I smiled at umupo sa gilid niya. "You look like my granddaughter ija" Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Miss Linda ako po si Doctor Azura, ang happy doctor niyo po dito sa Smile City. Sinisiguro ko pong gumaling kayo para makita niyo ulit ang mga minamahal niyo sa buhay" sabi ko, she smiled sadly at tumingin ulit sa view.
"I can't doc, namatay na ang minamahal kong apo na si Kylie. I can't see her anymore" nagsimula siyang humikbi, tumayo naman ako at tinapik tapik ang likod niya at napatingin sa nurse na nagbuntong-hininga.
"Doc hopeless case na po si Miss Linda, wala na po tayong magagawa" walang buhay niyang sabi, I smiled at hinawakan siya.
"Nonsense Shirley! Sa anim na taon kong pagsilbi dito sa Smile City ay walang pasyenteng umuuwing masaya at magaling, trust me."sabi ko sa kanya. "Kailangan lang ni Miss Linda ng cheering up at masarap na hapunan"
Ngumiti naman si Shirley sa'kin.
"Swerte talaga ng Smile City at napadito ka Doc, madaming good reviews ang hospital natin ng dahil sa'yo." I huffed jokingly at hinampas siya sa braso.
"Ikaw naman Shirley, hindi lang dahil sa'kin kung bakit lumago ang ospital na to, kundi pati na rin sa mga hardworking nating staff katulad mo." namula naman siya at tumango bago tumingin ulit kay Miss Linda. Lumuhod ako sa harap ng matanda at ngumiti. "Miss Linda, don't say that. Your granddaughter is safe and sound sa bahay niyo, actually hinihintay ka na nga niyang bumalik eh para makanood ulit kayo ng Winnie The Pooh." sabi ko, ngumiti naman ito at ipinahid ang mga luha.
Miss Linda was in a car accident 3 years ago kasama ang apo niyang si Kylie, at dahil sa nangyari ay inakala na niyang namatay ang apo which led her to her current illness, dinala siya dito sa Smile City a year ago kasi palala ng palala ang mga nararamdaman niya pero ngayon ay bumuti na ang kalagayan niya, nababawasan ang mga panic attacks niya which is such a good sign, estimated days bago siya makauwi ay mga 3 months and a half na lang dahil sinisigurado naming uuwi si Miss Linda na happy, stress-free at syempre ang main goal ng Smile City which is to...smile.
"Okay Doc, let me drink my medicine" buong pag-asa niyang sabi at hinawakan ang kamay ni Shirley. "Shirley let's go, I can't wait to see Kylie again."
Tumango naman si Shirley at bumulong sa tenga ko.
"How did you even do that?" Natawa kaming dalawa at sinunod silang dalawa ni Miss Linda papasok sa loob kung saan ay binati ako ng iba pang mga pasyente.
"Doc Azura~" tumalikod ako at nakita ang isa ko pang patient na si Mickey, siya ay 14 year old na inabuso ng mga magulang niya noon, pero ngayon ay bumubuti na din ang lagay niya.
"Hey lil boy" sabi ko at inakbayan siya. "How you feelin?"
"Okay lang po, kakatapos lang namin maglaro nina Buboy, Jamie at Suzy" sabi niya sabay hingal, may asthma din siya.
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Actionʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?