❥︎HILLARY BARTOLOME❣︎
The weekend came by fast than we expected kaya andito kami ngayon sa isang sports complex kung saan kami magpraprac, bakit sports complex? Kasi dito din kami magpraprac ng ON.
Kasalukuyan kong inaayos ang bandana ko sa ulo, sabay pagpag sa itim kong sweatpants at sweatshirt bago lumabas ng banyo kung saan naghihintay sina Zhenzi.
"Anong unang sayaw Cap?" bungad ni Azura sa'kin, kitang kita na pinapawisan ito.
"Nagsimula ka na no?" tanong ko sa kanya at inabutan siya ng isang towel, mabuti at naka croptop siya, grabe kase siya kung pinapawisan. Fun Fact, nakuha lang ni Azura ang flat stomach niya kakasayaw, oh diba exercise at leisure in one!
"Grabe ka naman, nag run over lang ako sa mga sasayawin natin kasama si Faye" sagot niya at pinahiran ang sarili.
"Practice nga daw pero parang championship na yung lebel" sabi ni Clarity sa gilid at tinali ang laces ng sapatos niya, actually mas daring nga tong si Clarity eh, naka sports bra ba naman, wala akong confidence para magsuot ng ganyan, kahit dress nga eh ayaw kong suotin eh.
"Alam niyo bang Friday Night ng Festival may Autumn Ball tayo?" biglang sabi ni Faye kaya napasimangot ako.
"So gown nanaman ba ang ibig sabihin nito?" wika ni Zhenzi habang nagstre-stretch.
"Pretty much" sagot ko at umupo habang kinuha ang iniinom ni Faye at ininom din. "Hanapan niyo ko ng maisusuot ha"
Tumango silang lahat, ng biglang may pigurang papalapit sa'min, namukhaan ko ito bilang ang tutulong sa'min sa sayaw.
"Inxiee!" sabi ni Azura at tinalunan ang instructor slash step-cousin niya. "I'm glad you could join us today!"
Ginantihan din siya ni Inxie ng yakap at kumaway ito sa amin kaya kumaway din kami pabalik.
"Of course dear Zura, kayo pa." sabi niya at linagay ang duffel bag niya at linabas ang isang speaker at isang speaker mic.
'The bluetooth device has connected—'
"Ay shet" sabi ni Inxie at sinubukang pinatay ang speaker mic niya pero mas lumakas ito kaya tinulungan nina Azura at Faye na patayin pero paulit ulit din itong tumutunog. "Well this is embarassing" natatawang sabi niya kasama ang dalawa.
"Okay lang yan Inxie" sabi ni Clarity at pinatay na talaga ang speaker mic at pinaandar naman ang isa pang speaker.
"So ano nga pala ang sasayawin niyo?". tanong niya at nag indian seat sa harap namin.
"La Di Da, Wannabee at ON para sa ending" sabi ni Zhenzi habang nakaupo sa rails ng isang pader. Tumango si Inxie at sinimulan ang La Di Da.
"So alam ko namang alam niyo na ang steppings except execution so focus tayo sa execution muna bago sa formations, okie?" sabi niya at napathumbs up. Tumango kaming lima at nagpunta sa lugar kung saan hindi namin masagasaan ang isa't-isa kase maraming stepping na kailangan naming humiga o lumuhod.
"Let's begin sa execution ni Siyeon, oh ikaw Zhenzi" wika niya at inexecute ang position na sinunod naman ni Zhenzi with a little struggle, kawawa sila ni Azura eh kase yung paunang position nila ay medyo complicated at masakit.
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Actionʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?