"Now if we think about that specific line Einstein wrote, does it makes any sense?"
Kasalukuyang nakikinig ang Silent Creepers sa kanilang History Teacher na si Prof. Garbosza, medyo boring para kina Azura,Clarity,Zhenzi at Faye. Si Hillary? ayun todo copy ng notes kahit di naman pinapacopy.
Hayss, mga perks ng Top Student.
Isang row lang silang lima sa second to the last row sa likod kaya hindi masyado halata ang kanilang mga ginagawa.
At dahil sila ay Section 1 nakakaasa ang mga guro na kahit hindi sila masyadong nagpaparticipate sa klase ay matataas pa din ang mga marka nila.
Si Zhenzi at Faye ay nagseselpon habang sina Azura at Clarity ay nag-uusap and Hillary as usual pinapagalitan sila.
"Section 1, are you all paying attention?" nabaling ang mga tingin nila sa pinto kung saan tumatayo ang kanilang scary but friendly adviser kaya agad silang tumayo.
"Good Morning Prof. Jestro" sabay sabay silang nagreet at nag bow, nakataas ang isang kilay ng Prof nila bago tumango at humarap sa una.
"Good Morning students" randam na randam niya ang tense ng mga students, napatawa naman si Prof. Garbosza ng munti dahil sa scared reactions ng mga students. "Chill naman kayo, jusko grabe yung tense niyo" tawa ni Prof. Jestro kaya umupo nalang silang lahat.
"Grabi talaga ang laki ng respeto nila sa'yo Prof." sagot ni Prof.Garbosza habang liniligpit ang mga gamit niya since may 15 minutes na lang bago matapos ang kaniyang klase.
"Pero hindi lang dapat sa'kin ang malaking respeto, diba students?"
"Yes Prof."
"Kung ganon, I'll take my leave na" ngiting sagot ng History Prof bago nag wave sa klase niya at umalis.
"Okay Class, so ipapakilala ko sa inyo ang mga bago niyong classmates"
Kumunot ang hitsura ng Silent Creepers at napatingin sa isa't-isa.
"I just hope hindi mga wannabees" bulong ni Faye sa apat.
"we have too much wannabees" sabi naman ni Zhenzi at napatingin sa first row sa left side ng classroom kung nasaan nakaupo ang isa pang sikat na tropa ng mga babae kabilang na dito si Ariana Perez,kasalukuyan nilang inaayos ang kanilang mga sarili kahit alam dilang hindi ito kaayos-ayos.
"bitches" bulong ni Clarity at ipinikit ulit ang mga mata habang napatawa naman sina Azura at Hillary na katabi niya.
"anyways magkwentuhan tayo mamaya sa nangyari after Mafia meeting" suhestiyon ni Hillary na ikinatango nilang lahat.
May trust sila sa isa't-isa and like they say Trust builds a strong and happy relationship.
"oh my god Papii!"
Napatingin ang lahat sa una nung pumasok ang mga transferee na puro lalaki and boy do they remember those faces except for Clarity na deadma lang at nacoconfuse sa mga reaksyon ng mga kaibigan.
"Hi new classmates, my name is Grae Lopez, 18 from England to Quezon" sabi nung isa sabay wink, yung long silver hair nito ay pasimpleng nahulog, covering half his face, napatingin ito saglit kay Clarity pero agad namang umiwas ng tingin.
"Good Morning, I'm Clinton Xyrex Jarendelle, 18 and nice to see you" agad naman itong napatingin kay Hillary na kasalukuyang naiinis. "Yeobo" sabi nito at nagwink lahat sila napatingin kay Hillary na iniyuko na lang ang ulo nito.
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Actionʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?