ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 15: 𝙲𝚊𝚝𝚌𝚑𝚒𝚗𝚐 𝚄𝚙 𝙰𝚗𝚍 𝙵𝚊𝚝𝚑𝚎𝚛𝚕𝚢 𝙻𝚘𝚟𝚎

3 2 0
                                    


❥︎CLARITY VENICE FALCON❣︎


Kasalukuyan kaming nasa Limo ni Mr. Luccins, papunta kami sa M Manor kung saan nagtitipon-tipon ang lahat ng mga miyembro ng Mafia, dito nagaganap ang mga importanteng pagtitipon, parties and meetings at dito din nagaganap ang punishments which is located sa basement ng Manor at doon na nakahanda ang Caged Tigers para sa kanilang trial.


Nakasuot ako ngayon ng leather jeans, black croptop under a black leather jacket and brown combat boots.


Ito yung signature outfit ko, meron din ang iba pero tinatamad akong magdescribe ng mga damit nila, di naman kayo special para gastusin ko yung laway ko sa inyo, charing.

"Kawawa si Yohan" sabi ni Nightingale, si Faye yan ha kung nakalimutan niyo. Basta kung nasa Mafia Mode ka ay dapat screen names ang gamitin niyo.

Napatingin si Sapphire(Zhenzi) at napabuntong-hininga na lamang ito.


"I heard from Yohan na itinakwil nila Si Gyohan dahil ayaw niyang magbusiness kasama si Papa nila, kaya si Yohan ang naglakas loob na akuin ang responsibilidad na dapat kay Gyohan" kwento niya at pinaglaruan ang dagger sa kamay niya at ang leather skirt niya.

"Well mabuti na lang yun, he doesn't deserve their family wealth anyways" sagot naman ni Pyra(Hillary), inayos niya ang hoodie niya at sumandal kay Kairo na ngayo'y bored na bored.

"But Yohan loves his twin brother, kaya medyo nag aadjust pa siya sa buhay na wala siya." dagdag ni Sapphire.

"Poor kid" sabat ni Andromeda(Azura) habang ngumunguya ng chips, napatingin kaming lahat sa kanya. "What?"

"Kanina ka pa pala kumakain di mo ako sinabihan" natawa si Andromeda at binigyan si Nightingale ng kaniyang sariling bag of chips.


Pero bago niya mabuksan ay huminto ang limo.

"Oops, andito na tayo. Night, iwan mo na lang yan diyan" blunt na sabi ni Kairo at naunang lumabas.

Napa-whine ang si Night at iniwan ang chips sa loob ng sasakyan bago bumaba kasama kami.

We went inside in pairs.

Sina Kairo at Pyra ay nag-uusap about sa set up mamaya, sina Night at Sapphire ay nag-uusap about sa mga walang kakwentang kwentang bagay habang naiwan kami ni Andromeda sa likod.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"May chips kapa ba diyan?" bulong ko sa kaniya, nanlaki ng ilang segundo yung mga mata niya bago may kinuhang nakafold na tissue sa bag niya.

Binuksan ko ito at nakita ang ilang piraso ng chips, natawa ako at kumuha ng isa.

"Huwag kang sumumbong kay Night ha" bulong niya pabalik sa'kin sabay nguya ng chips.

"Oo ako bahal—"

"Ms.Luna? Ms. Andromeda?" napatingin kaming dalawa sa harap at nanotice na andito na kami sa entrance kung saan nakatayo ang isang buff bodyguard, strikto itong nakatingin sa'min walang ni isang emosyon ang ipinapakita nito.

"Yes Mr.Buffy BG?" chill na tanong ng kasama ko bago tinapon ang empty tissue sa basurahan sa gilid.

"Please enjoy your stay" di man siya ngumiti eh halatang halata ang kaunting saya sa tinig niya.

"Will do" sagot ko bago niya kami ipinasok sa Manor kung saan nakatayo yung iba sa harap ni Mr. Luccins.


"Oh dear Andromeda!Luna! My other children!" sabi niya sabay yakap sa'min.


𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now