ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 36: 𝙺𝚠𝚎𝚔 𝙺𝚠𝚎𝚔 𝙰𝚗𝚍 𝚃𝚑𝚎 𝙴𝚗𝚍?

3 2 0
                                    



❥︎HILLARY BARTOLOME❣︎



It's been a week since nandito kami sa hospital, wala pa ring sign ng paggising ni Zhenzi, araw araw ay binibisitahan namin siya tapos sinasamahan siya ni Yohan pag gabi, kahit ano pang gawin namin ay hindi talaga aalis sa tabi ni Zhen ang minamahal niya kaya hinayaan lang namin silang dalawa, at dahil sa pangyayari ay naisipan na lang na tapusin ang school year tapos iemail na lang sa'min ang mga diploma at awards namin dahil sa takot na mangyayari ito ulit, tapos binayaran ng gang namin ang school para walang leak na magaganap tungkol sa'min, pero nagpasalamat din sila dahil kung hindi dahil sa'min ay baka marami ang masasaktan. So all is well, ang huling hiling nalang namin ay ang magising na si Zhenzi.





Kasalukuyan kaming apat nasa loob ng kwarto ni Zhenzi habang umalis ang boys, nagpatawag ako ng meeting dahil may gusto akong sabihin at gawin pero kailangan ko ang approval nila para mangyari ito.




"So bago tayo magsisimula, kamusta ang lagay ni Baracuda at ni Monica?" tanong ko. Napabuntong hininga si Clarity at ngumiti.




"Well, deado si Monica tapos na paralyze si Baracuda, nakakagulat nga na buhay pa ang demonyong yun eh, lalo na't 75 years old na siya." sagot niya, luh grabe din pala ang katawan ni Baracuda, para bang yung kasabihang 'Matagal mamatay ang masamang damo'.



"Eh asan ang katawan niya?" tanong naman ni Azura habang nakasandal sa kama ni Zhen.




"Andoon sa torture room sa villa, walang malay. Nalaman ko ding papunta dito sina Mr.Luccins para kausapin ang kanyang....pinsan" nanlaki ang mga mata ko.



"Luh, pinsan niya pala yun?" sabi naman ni Faye at natawa ng konti. "baka ampon lang yun siguro"



Natawa naman kmaing lahat sa kanya.




"eh sino bang bumabantay don sa villa?" tanong ko ulit.



"Si Kairo, speaking of him. On the stage of moving on pa siya pero ang loko linabas niyang bisexual pala siya" sagot ulit ni Clarity, mas lumaki ang mga mata ko dahil sa narinig.


"BAKLA SIYA?" sabay naming sabi, tumango naman si Clarity.



"Naol" sabi ni Azura.




"Anyways back to our meeting... guys" napatingin sila sa'kin, all with confused looks on their faces. Kinagat ko ang labi at inangat ang ulo.



"Let's quit being a mafia gang"



....





"Ganun ba?" rinig kong sabi ni Clarity, napatingin ako sa kanya na sa kasalukuyang napaisip. "kung iyan ang mabuti, s-sige"



I sighed.




"Guys alam kong mahirap na pakawalan ang nakasanayan, pero hindi kona kayang may mangyari pa sa'ting ganito. I just want all of us to be safe" sabi ko, di ko namalayang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Masaya at thrilling man ang maging parte ng isang mafia ngunit parang nakatayo tayo sa pinakadulo ng isang planka na kung saan isang galaw mo lang ay pwede kang mahulog, masaktan...mamatay.




"Naisip ko din yan" binaling ko ang tingin kay Azura na mapait na ngumiti. "Ang mafia lang ang tumulong sa'kin sa tuwing pinapahirapan ako sa bahay, dito sa mafia, everyone is proud of me, maituturi ko talaga ang konstitusyon na to bilang isang pamily maliban sa kung saan nakabuntot sa'tin palagi si kamatayan. Tama ka Hill, mahirap pakawalan pero guys ang bata bata pa natin, marami pa tayong magawa sa buhay." mangiyak-ngiyak niyang sabi habang ngumingiti pa din. "Kaya sang ayon ako sa'yo Hill, para naman to sa kaligtasan natin at sa mga taong malapit sa'tin, mahirap na kung may mangyari pang ganito"




𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now