ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 9:𝙼𝚢 𝙻𝚊𝚋𝚜ˢʰᵃᵉʸᵉ

5 3 1
                                    

❤︎FAYE Avienere Cruz❣

Kasalukuyan kaming nasa ukay ukay ni Shawn, bakit?

Naisipan kong bisitahin ang isang importanteng tao sa buong buhay ko.

"Di ko pa rin magets kung bakit dito mo gusto bumili, eh marami namang mga magagarang boutique dito eh, heck may kilala pa akong fashion designer." sabi niya habang tinitingnan yung mga damit sa harap niya, napadila naman ito nung may nakitang panty.

"Simple lang Shawn" sabi ko habang itinaas ang panty na pinagdidirian niya. "Kase bibilhan kita neto" sabi ko habang winawagayway yung panty sa harap niya, agad niya namang linagay yung kamay niya sa noo ko at mahinang tinulak, ayan tuloy di ko siya maabot.

"Faye manahimik ka diyan"
Buntong-hininga niyang sabi at binitawan ang noo ko. "Pero seryoso anong ginagawa natin dito?"

Hayss siguro sasabihin ko na talaga sa kanya.

Nginitian ko lang ito at sinenyasang sumunod sa'kin. Dinala ko siya sa likod ng isang kurtina kung saan nakaupo ang isang maedad ng babae habang tinitingnan ang bago niyang mga stocks, tiningnan ko si Shawn na may mukhang nagsasabing 'Nu ginagawa mo?'

Natawa ako at nilapitan ang babae.

"Mama" sabi ko habang tinapik ko ang balikat niya, agad namang napatingin siya sa'kin at ngumiti. "Kamusta na po kayo?" tanong ko habang ginagalaw ang kamay ko.

'Okay lang ako Faye maganda pa den' senyas niya.

Oo, my mom is mute since birth kaya we communicate through sign language at Oo, isa nga akong milyonarya C.E.O of Avien Music pero dito lahat yun nagsimula, sa isang munting ukay ukay store kaya mahirap para saming inang bitawan ito kaya nagdesisyon si mama na ipagpatuloy na lang ito.

"eto naman si mama ang hangin niyo pa din" sabi ko habang sinenyasan ko siya, ngumiti lang si mama at biglang napatingin kay Shawn.

Ay hala si Shawn!

Siguro na-OP siya sa sitwasyon.

"Shawn eto pala si Mama Lydia, Mama si Shawn kaibigan ko" sabi ko sa kanya.

Napatingin naman ako kay Shawn na nagmano sa kanya at ngumiti ng may pagka-mahiyain, waw for the first time in forever hindi siya cocky. Palakpakan mga hangal!

"Good Afternoon po Tita, masaya po akong makilala kayo" sabi ni Shawn, tumango si Mama at tumingin sa'kin.

'Boyfriend mo ba to? Gwapo ang batang nabingwit mo dai ah'
Senyas ni Mama, nanlaki mga mata ko at tiningnan siya ng masama kaya inirapan ako ni mama. 'hoy hindi kita pinalaki ng ganyan Faying ha'

"Ma huwag mokong tawaging Faying' biglang sabi ko kaya napatawa naman ang katabi ko, masama kong tiningnan si Shawn at agad ko itong binatukan. "Aray! Mama naman eh" kaya binatukan din ako ni Mama.

'Ba't mo siya binatukan gaga ka?' tiningnan ni Mama si Shawn at nginitian, grabe ha, my mom cursed at me she freaking cursed at me, inilabas ni Mama yung small notebook niya at nagsulat.

'Okay ka lang ba Shawn?' yan yung nakasulat.

"Opo Tita okay lang po ako, hindi nga maikompara sa lakas ni Mayweather eh" tukso niya sa'kin.

𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now