ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 24: 𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚜 𝙰𝚗𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚟𝚢 𝙰𝚒𝚛

6 2 0
                                    

✴️YOHAN PARK◾

Shaaaaaaaaawnnnn: Tangina kayo


Natawa ako ng konti sa huling text ni Shawn, inexit ko ang messages app at binuksan ang gallery ko, natawa ako dahil madaming picture na kasama kaming limang boys, yun limang girls at kaming lahat. Natawa ako sa isang pic kung saan nag dab sina Shawn at Azura tas nagtwetwerk si Kael at Hillary, si Zhenzi at si Clarity ay napa dalagang filipina habang nagpapiggy back si Grae sakin. Meron ding isa na nagcostume party kami sa penthouse ng girls, nakasuot si Kael ng isang Lobster costume, si Zhenzi ay isang malaking trashbag, si Grae ay naka Cinderella(natalo siya kase sa dare namin), si Azura at Clarity ay naka sausage costume with both of them on each end, si Faye naman ay isang patatas, si Shawn naman ay isang mesa, tapos isa akong lechon, si Clinton ay isang dracula habang isang carrot naman si Hillary.


Alam kong nagkakakilala kaming lahat in just a little amount of time pero I already feel complete, they're like the friendly figures I didn't know I need in my life, nag scroll ulit ako at mapait na ngumiti.

Isang picture namin ni hyung sa Disney Land, kumakain kami dito ng corndogs habang nakasuot ako ng Mickey Mouse Onesie habang siya ay naka Minnie Mouse, birthday namin to well exactly 18th birthday namin, at habang iniisip ko ito biglang pumasok sa'king isipan na ako na lamang mag-isa sa next birthday namin.

I shook my thoughts away at nagscroll ulit at nakita ang isang selca namin ni Zhenzi, after ito nung kinomfort niya ako sa park, halata pa rin ng kaunti ang mapupulang mata ko, kumakain kami ng Bulgogi, well considering half Korean siya HAHA.

Di ko pala nasabi sa inyo pero my mom is Pinay, naghiwalay sila ni Appa nung kinder kami ni Hyung kaya dito na kami nag migrate sa Pinas, pero unlike my father mababait ang mga kamag-anak niya sa Seoul, lalo na si Halmeoni at Tita Sunji.

Anyways napangiti ako sa selca namin ni Zhen, bumilis agad ang tibok ng puso ko habang nakatitig lang sa ngiti niya na parang isang bag ng sunshine.

"Yohan Park-ssi?" agad ko namang tinago ang cellphone ko at napatingin sa harap and I almost drooled, nakapatong ang dalawang kamay ni Zhenzi sa mesa, medyo nagshishine ang name plate niya sa black blazer niyang suot, yung glasses niya ay nasa bridge ng ilong niya, ang buhok niya'y nakaayos sa isang messy bun, nakataas ang kilay nito habang nakatitig sa'kin. Shit she looks hot.

Ay wait, she's still underage, dalawang months pa. Jusme.

"Zhenzi Lou Han-ssi?" tanong ko sa kanya as I awkwardly smiled, napailing ito. Nakalimutan ko tuloy na I'm in a room full of potential investors and my job is supposed to take notes sa lahat ng nangyayari not stare at my phone, alam ko na mamaya pagagalitan nanaman ako.

"As I was saying, I think it's best if we firstly expand our branches in Asia proceeding to Europe, but since we don't have the budget to build at every country at the same time, I was thinking that we start our expansion with Mr.Fujimoto in Japan. What do you think?"

Shit she's hot, super.

Teka anong sabi niya? Hindi! Ano bang sasabihin ko? Napatingin ako sa ibang investors na sa akin ang tingin, I bit my lip and composed myself at nagclear ng lalamunan.


"I-I'll look into it, I'll get back to you on that, and I'll give you an update" seryoso kong sabi pero sa totoo lang, I'm so embarassed of myself. Napasimangot ng kaunti si Zhenzi sa sinabi ko.

"Kimmy Dora?" bulong niya, natawa naman ang buong boardroom.

"Ah Ms.Han, I really like your secretary. He is a funny one" sabi ni Mr.Vasquez at natawa kasama ang asawa niya.

𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now