::𝑆𝑐𝑎𝑟𝑙𝑒𝑡𝑡𝑒 𝐴𝑛𝑑 𝑆𝑢𝑟𝑝𝑟𝑖𝑠𝑒𝑠
❥︎FAYE AVIENERE CRUZ❣︎
6 years later...
Tulala akong nakatingin sa bintana, halata sa faint repleksiyon ko ang eyebags, pamumula ng mga mata ko at ang dried tears sa mukha ko, ilang araw na din akong hindi kumakain regulary, humihingi na lang ako ng tinapay kay Shawn minsan, araw araw niya akong sinasamahan sa kwarto namin, malungkot din siya kagaya ko, pero mas malala ang nararamdaman ko, ina ako eh. Well I 'was' one.
Our firstborn, Scarlette Suarez was a typical angel, mabait at magalang siyang bata, walang inaaway, masunurin at mapagmahal sa mga taong importante sa kanya. Isang ngiti niya lang ay mapapangiti ka na rin, pero biglamg nawala ang ngiti na yun sa pagsapit ng kaniyang 6th birthday.
Last month kami nagadiwang, kumpleto kaming lahat, sina mama, tito, sina Clarity, sina Kairo, lahat kami kumpleto at masaya.
Sa kaligitnaan ng celebrasyon, pumutok ang tanke ng gasolina sa kusina, tumahol ang alaga ni Scarlette na si Pooka, naalala niyang nakakulong pala ito sa kulungan niya, nasa labas na kaming lahat ng bahay ngunit tinakbuhan niya, linigtas niya si Pooka, pero di niya nakayanang iligtas ang sarili niya.
Nahulugan siya ng kisame nung inihagis na niya si Pooka kina Amy at Drei. Nilamon siya ng malademonyong apoy, ang sakit, sobrang sakit. Wala na akong nagawa kundi sumigaw at umiyak kahit papano basta maligtas ang anak ko, handa na din akong tumalon sa apoy pero hinawakan ako nina Tito at Mama pati na rin si Shawn, I was disappointed at myself dahil hindi ako malakas para salbahin siya.
Scarlette ended up dead on arrival sa ospital, masakit mawalan ng anak, I was devastated.
Hanggang ngayon nararamdaman ko pa din ang sakit, fresh na fresh pa, sinubukan din naming magtry ulit ni Shawn pero nagkakaroon ako ng mental breakdown kalagitnaan, at parang hindi ko na kaya. Parang nawala na ang pag-asa ko bilang isang ina, hindi kona alam kung anong gagawin ko, minsan gusto kong mamatay na lang pero biglang pumapasok sa isipan ko ang ngiti ni Scarlette.
"Momma, live well for me"
Naramdaman ko naman ang pag-agos ng mga luha ko at ang tamis ng yakap ni Shawn.
"Shh, tahan na Faye my labs." sabi niya sabay kurot sa pisngi ko, kahit na ang pangit kong umiiyak ay nagawa ko pa ding ngumiti ng kahit konti man lang. "Oh ngumiti na siya, sige laparan mo pa nga." inunat ko pa ang ngiti ko habang pinapahiran niya ang mga luha ko.
"Panget na ba ako?" bulong ko sa kanya sabay pout, kahit 24 na ako ay ang kyut ko pa din, umangal kakalbuhin ni Clarity.
"You're still beautiful like the first time I laid my eyes on you" namula naman ako at hinampas ang dibdib niya bago yinakap ito.
"We met each other like, nung daycare pa" sabi ko sa tshirt niya. Natawa naman ito.
"Ngayon alam ko na kung sino ang kamukha ni Scarlette" ngumiti ako. "At pareho kayong maganda sa mga mata ko" hinalikan ko siya dahil sa umaapaw na pagmamahal kong nararamdaman.
I lived in solitude for 2 months long, Kailangan ko nang mag-move on at magsimula muli.
Kumalas ako sa halik at hinawakan ang dalawang pisngi niya, bigla naman akong namula at nagtago sa leeg niya.
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Actionʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?