꧁𝑩𝒐𝒏𝒖𝒔 5꧂

4 2 0
                                    



::𝑅𝑜𝑢𝑛𝑑𝑠 𝐴𝑛𝑑 𝑄𝑢𝑎𝑑𝑟𝑜!?





❥︎HILLARY BARTOLOME❣︎




6 years later....




"Doc sigurado ka na d-dito lalabas ang anak ko?" prantika kong tanong habang nakahawak sa kamay ni Clinton, kasalukuyan kaming nasa operating room kasi lalabas na ang anak ko, ang naguguluhan ko lang ay ang laki laki ng tiyan ko tapos isa lang ang lalabas, chubby ba ang anak ko? well mataba naman si Mama so makes sense.




"Syempre naman misis, alangan naman lalabas kay mister diba?" sagot ng doctor sabay suot ng gloves, napasigaw naman ako nung sumipa ulit ang baby sa loob ng paulit-ulit. "oh ayan na siya oh"




Napakagat labi ako at napatingin kay Clinton na natatawa, kumunot naman ang mga kilay ko.



"Tawa tawa mo?" maldita kong sabi, natawa siya at tumuro sa pinto, pagtingin ko dun ay nakita kong may hawak si Faye na banner na may sabing. 'Push mo yan teh!'




Gaga gaga din pala tong taratara na to.



"Misis magsisimula na tayo" bumalik naman ang kaba ko at tumango sa doctor, napatingin siya muna sa nurse na kasama niya bago tumango."nakikita ko na ang ulo ng baby niyo, ang excited na sigurong lumabas, sige misis push in 3..2..1! Push!"




5 minutes later...




"Misis eto na po yung baby niyo, lalaki po" umiyak ako sa tuwa at hinawakan ang anak ko, naramdaman ko namang umiiyak si Clinton sa tabi ko at ang faint hiyawan nila sa labas, siniko ko si Clinton, hinalikan niya ako sa ulo ng biglang may sakit ulit akong nararamdaman.



"D-doc, m-masakit pa" sabi ko at namilipit sa sakit, nanlaki naman ang mga mata ng doctor at napatingin sa loob ko.




"Hala doc, may isa pa" sabi ng nurse at agad kinuha sa'kin yung baby ko at linagay sa crib.



Jusko, kambal ganun!? Si Azura kasi, binibigyan ako ng tigdala-dalawang pagkain kase sabi niya, the more the better.



"Oo nga may isa pa, sige misis mukhang matagalan pa tayo rito" tumango ako at hinanda ulit ang sarili.




5 minutes later...




"Ah eto na nakalabas na si baby boy ulit!" masiglang sabi ng doctor at pinahawak ulit sa'kin yung pangalawa, naghahabol ako ng hininga, nung sumakit naman ang tiyan ko. Oh no. "Hala may ulo pa!"



Nanlaki ang mga mata namin ni Clinton.



"M-MAY ISA PA!?" sabay naming tanong, tumango ang doctor at napahiyaw ulit ako sa sakit.


"Sige misis, prepare ulit tayo"



Kailan ba to matatapos?



3 minutes later...




"Eto na ulit misis, lalaki uli" hingal na hingal na sabi ng doctor at binigay ulit sa'kin ang pangatlo kong anak, ngumiti ako at nakitang umiiyak ito sa hawak ko.




"Pahawak nga love" rinig kong sabi ni Clinton kaya binigay ko ulit sa kanya, himalang natapos din ang iyak niya.



Naramdaman ko namang sumakit ang tiyan ko.




"Doc ang sakit pa din!" hiyaw ko, nakita ko namang binuga ng doctor ang tubig niya sa mukha ng nurse at kinapa ulit ang loob ko, natawa ako pero mas sumakit ulit ang tiyan ko at biglang naramdaman kong may lumusot.




𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now