❥︎CLARITY Venice Falcon❣︎
"sasama ba talaga kayo?" tanong ni Zhenzi habang iniirapan ang limang lalaking napagkamalan nang stalker dahil kanina pa kasunod sa'min. Mga tanga.
"Ikakasal si tol eh" sagot naman ni Shawn habang inakbayan si Clinton na neutral lang yung facial expression.
"kaya maghiwalay tayo" sagot niya habang nakatingin kay Hillary, lahat nga lang kami napatingin kay Hillary na halos mangiyak-ngiyak......sa tuwa?
"GAAAAH! TALAGA! MAGHIHIWALAY TAYO! YES! FINALLY!" sigaw niya, napanganga kami sa kanya habang ginigiling-giling ang bewang sa tuwa. "Aalis na si Clinton sa buhay ko oh yeah oh yeah!" kanta niya.
Mas tanga to.
"Uhmm Hillary, hindi tayo maghihiwalay" sagot ni Clinton habang hinawakan ang balikat ni Hillary na sa ngayo'y uhmmm mukhang mas tanga kesa kanina. Meh. "eh wala namang tayo ah"
Agay.
"WHOOOOOOOO SABOG!"
"HA!? e-eh yung s-sabi mo n—" utal na sabi ni Hillary, Clinton shook his head.
"Ang ibig kong sabihin eh maghiwaay tayong sampu ayon sa pairings for the wedding para mabilis, total Beach style yung wedding so any summer colors ay pwede basta pares kayo ng partner niyo" mahabang saad niya. "Sorry Hill kung na—"
Si Hillary? Ayun tumakbo na palayo at iniwan ang bag kay Azura.
Sinasabi ko na ba eh.
"So sino nga ba ang mga pai—"
"ARAY! CLARITY NAMAN EH!" napatawa ng malakas ang iba bakit hindi? eh sinipa ko lang naman si Clinton. "Ano ba kasalanan ko?"
"klarong klaro yung sinabi ko kahapon na huwag mong saktan si Hillary eh ayun wala na. Tangina ka" sabi ko at kinuha ang listahan ng pairings sa bag ni Hillary na hawak hawak ni Azura. "sundan mo, pag ayun bumalik dito na umiiyak pa, baka hindi lang sipa maabutan mo"
"oo na oo na." sabi niya at tumakbo papunta kay Hillary.
"Lupit mo bes!" rinig kong sigaw ni Faye at inakbayan ako, habang pumalakpak naman sina Azura at Zhenzi. "oh, sinong magpapartner?"
Rinig naming tumawa si Kael sa tabi ni Shawn.
"Looks like Faye is too excited for this" sabi niya at siniko si Shawn na nag-smirk.
Ipinakita ni Faye yung kamao niya sa dalawa kaya umiwas na lang sila ng tingin, mga torong-ganggung.
Binuksan ko ang papel at agad namang nanlaki mga mata ko... oh chill.
Azura And Mikael
Faye And Shawn
Zhenzi And Yohan
Clarity And Grae
Okay naman si Grae, medyo weird lang pero chill.
Tumatango-tango ako habang tinitingnan ang papel kaya kusa na lang silang lumapit at nagbasa.
"NOOOOOO!" rinig kong sigaw ni Faye habang hinahatak na siya ni Shawn palayo.
"Hayss, mabuti na to para iexplain ko sa'yo yung mga dapat mong maachieve in business" napatingin ako kina Zhenzi at Yohan na civil lang sila habang papalayo sa'min, now that I think of it, miyembro din ba si Yohan ng mafia? Considering na kapatid niya si Gyohan na mamamatay na. Poor kid.
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Actionʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?