❥︎AUTHOR-NIM(Hellow again(●'◡'●)ノ)❣︎
He frantically ran across the school halls with one goal, hahanapin sina Clarity, Zhenzi at Faye, malalaking bahid ng pawis ang dumadaloy sa mukha nito habang walang pakialam sa mga estudyanteng nakabunggo niya dahil isa itong problema. Napakalaking problema.
Ng makarating siya sa canteen ay agad niyang inikot ang paningin, hindi siya makapakali dahil sa problemang kinahaharap niya. Ng makita niya sina Shawn, Yohan at ang mga babaeng hinahanap niya ay agad siyang tumakbo habang tinatawag ang kanilang mga pangalan.
"Clarity! Faye! Zhenzi! Tulong!" sigaw niya sa buong canteen kaya napatingin silang tatlo sa kanya at pati na rin ang lahat ng mga tao sa loob ng canteen perimises.
"Kael? Anong nangyari?" paunang sabi ni Zhenzi habang ibinaba ang cellphone niya sa mesa.
Habol hininga si Kael habang nakakapit sa mga tuhod niya kaya agad siyang binigyang tubig ni Faye ngunit itinanggi niya ito.
Si Clarity naman ay napatingin sa bawat gilid ng lalaki na tila ba may hinahanap. Which is actually true.
"Asan si Azura? Akala ko kasama mo siya?" tanong niya.
Kinagat ni Kael ang ibabang labi at napabuntong hininga.
"Yun nga eh." sabi niya, napatingin siya muna sa sahig bago tiningnan muli ang mga kaibigan. "Nawawala si Azura"
The whole canteen gasped.
"Pano yun? Akala ko kasama mo siya?" tanong ni Shawn habang pasikretong pinapakalma si Faye sa gilid niya. Galing diba, nagawa pang magscore kay Faye. Jusmeyo.
"Dapat yun nga ang mangyari eh, after kase nung dinner natin inaya ko siyang magdate kami at magliban sa klase kahapon, sabi niya oo pero hindi siya sumipot at ngayon wala pa rin, hindi ko siya macontact, di ko din siya ma track. Ewan ko pero nag-aalala na ako eh" sabi niya at napaupo sa upuan sa tabi ni Zhenzi, yung ulo niya ay nakapatong sa mga palad niya.
"Baka may pinuntahan lang" suhestiyon ni Yohan at napasandal sa balikat ni Zhenzi. "Alam niyo namang yan si Zura, kung saan saan pumupunta"
"Yun na nga. Kung saan saan siya pumupunta" sagot naman ni Kael.
"Ba't ka ba namomobrlema pare? Malaking bata na yan si Azura, alam natin na di yan gagawa ng kung ano-ano na makakasama sa kanya. Mahal mo na ba?" pabirong tanong ni Shawn, ngunit ito'y natigilan nung hinampas ni Clarity ang mga kamay sa mesa.
"Kilala ko yan si Azura, magsasabi yan kung saan siya pupunta." sambit ni Clarity at sinimulang tinawagan ang phone ng nawawalang kaibigan.
Ilang ring ang lumipas at sumagot ito. "Hello dzaii ano ka ba, saan ka-"
"Well hello Luna, looking for Andromeda? Aww how sad. Tell her little boyfriend to check under the shed bench before you find her. That's a lot of help for sure." At naputol ang tawag.
Namula sa galit si Clarity.
"Na kidnap siya" sabi niya, nanlaki ang mga mata nila ng biglang may tumawa sa gilid.
Isang tawang bagay sa isang harot at alpoten na babae.
"What's so funny Trisha?" cold na sabi ni Faye na ikinagulat naman ni Shawn.
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Actionʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?