ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 30: 𝚂𝚖𝚊𝚕𝚕 𝚃𝚊𝚕𝚔 𝚊𝚗𝚍 𝙰𝚍𝚟𝚒𝚌𝚎𝚜

3 1 0
                                    



❥︎AZURA KIM MONTECILLO❣︎


Kasalukuyan akong nagchichill sa penthouse ni Kael, and by chill, I mean Netflix, popcorn, soda at isang ulong nakahiga sa paa ko.



Miyerkules ngayon, 2 weeks nung nagsimulang mangligaw tong mokong na to, and let's say medyo okay na.


Admit kong gusto ko na siya, pero gusto ko tingnan kung hanggang kailan niya kaya, umpisa kase noon ay nagkaroon ako ng mga trust issues sa mga lalaki, lalo na sa mga crush ko, kaya medyo hesitant ako na sagutin siya, you can't blame me with a past like mine, you'll think the same.



So nanonood kami ng The Princess Switch habang sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.


"Hey Azura" I hummed as a response, may laman kasi bibig ko, baka kapag nagsalita ako ay mahulugan ko siya ng bits ng popcorn, baka maturn off. "Anong klaseng lalaki ang tingin mo sa'kin?"


Napaangat ito para matingnan ako, I smiled.

"To be honest, iba ang aura mo eh, parang nakilala na kita sa past life ko as someone very close to me" paunang sabi ko, well I'm just letting my heart speak for me, naramdaman ko ang tense niya. "bakit?" nagaalala kong tanong.


"wala, shocking lang yung reply mo."he laughed "Pero tama ka, baka nakilala mo din ako sa past life mo, who knows" tumango ako sa sinabi niya. "continue"


"Well besides nun, you are a total asshat, alam mo ba yun?" natawa naman siya sa sinabi ko. "Pero kahit ganyan ka, hindi ko pa rin malampasan ang pagsabi na, ang sweet mo, gentleman, at ikaw ang tipo na gawin ang lahat para sa taong gusto mo, you're a good listener and a humurous lil douchebag I like to keep around me." Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko, intertwining them as well as planting a soft kiss. "Hindi ko sasabihin na ang gwapo mo kase tataas ang ego mo ng samoung pulgada, you are smart, attentive and of course a jealous baby" I cooed at the end, natawa naman ito at naupo.



"Oh, okay na ba yan na explanation? You got a nice Azura Kim Montecillo review, rate mo nga." dagdag ko, he just smiled at walang pasabing hinalikan ang noo ko. "p-para sa ano yun?" tanong ko nung biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko.

He ruffled my hair.


"Wala naman, iniisip ko lang kung gaano ako kaswerte na ikaw ang babaeng nagustuhan ko, at ikaw ang babaeng gugustuhin ko hanggang sa dulo" shet naiiyak ako. "gusto mo bang malaman kung anong nagustuhan ko sa'yo?" tumango ako.


I need to hear this, minsan lang to sa buhay ko so yaan niyo na.


"Well, umpisahan natin sa kagandahan mo. Alam kong nagdaan ka sa isang nose surgery pero I'm way pass it." hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. "I admire how brave you are at hindi mo ikinakahiya na dumaan ka sa ganyang proseso pero to be honest, kahit hindi ka nagbago ikaw pa rin ang babaeng mamahalin ko." naiiyak na talaga ako. "You are creative, talented, smart, witty, adorable at mga iba pang bagay na hindi ko masabi, kase words can't describe how much of a good person you are."(a/n: damn sana may magsabi din sa'kin ng ganyan, crush beke nemen)

Namula ako at kinagat ang ibabang labi sa tuwa, kilig at saya.

"Para sa'kin, para kang sardinas, simple pero nagdadala ng libo libong saya sa mga tao" di ko napigilan ang sariling matawa sa kaniyang sinabi.

𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now