ᴋᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 21:𝚃𝚛𝚊𝚒𝚝𝚘𝚛𝚜 𝙰𝚗𝚍 𝚁𝚎𝚟𝚎𝚕𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗𝚜

6 2 0
                                    

❥︎AUTHOR-NIM(\(^3^)/)❣︎


Everyone was panicking.



Nakarating ang private jet ni Kairo sa airport kaya agad silang dumiretso sa school kung saan. nila naabutan sina Clarity,Zhenzi,Faye,Yohan at Shawn.


May mga faint scratch marks sa mga mukha ng tatlong babae pero hindi na kinwestiyon iyon nina Hillary.


"Sumakay na kayo bilis" sabi ni Grae at binuksan ang pinto ng sasakyan niyang SUV, papasok sana ang dalawang lalaki pero pinahinto sila ni Grae. "Maiwan kayo rito"


"Tol ba't ba? Eh kailangan niyo kami doon!" sambit ni Shawn.


"Basta dito lang kayo, kami na bahala. Huwag kang tumawag ng pulis okay" sagot niya pabalik habang pinaharurot ang sasakyan at naiwan ang dalawa sa harap ng school na lumilibog ang ulo sa dami ng mga tanong sa utak nila.


"Eh diba dapat maiwan ka din?" tanong Ni Faye sa likod, napa-smirk si Grae.


"Kailangan niyo ako Night" nanlaki ang mga mata ni Faye.



"H-Ha? S-sinong Night? Huy baka may multo rito ha" palusot ni Faye, natawa lang si Grae at umiling bago pinaharurot ulit ang sasakyan, maya-maya ay tinawagan nito si Kael.


"Kael asan ka?"


"Malapit na'ko sa warehouse"


"Saang warehouse ba yan?"


"Sa XXX Abandoned Warehouse, bilisan niyo!"


"Umuwi kana Kael, kami na bahala."


"Ano!? Ayoko! Si Azura ang pinag-uusapan natin dito!"


"Speaker mode" bulong ni Kairo na sinunod naman ni Grae.


Napatingin sila sa bintana kung saan nakita nilang tumatakbo si Kael habang hawak hawak ang cellphone neto.


"Kael si Hillary to. Magtiwala ka lang, pramis pag naligtas na namin si Azura, ikaw ang una naming tatawagin"


"Pero—"


"Kael sige na." nanginig si Grae sa tonong ginamit ni Clarity mula sa likod. Damn she's hot.


"Iligtas niyo siya"


At pinatay niya na ang tawag.


Pagkatapos ay inilabas ni Grae ang isang baril mula sa bulsa niya na ikinagulat ng lahat maliban kay Kairo.

"Grae! Sino ka ba talaga?" tanong ni Zhenzi habang inilabas niya din ang baril niya for self defense incase kasabwat si Grae ng mga holdaper. She can't risk anything tas ganyan din ang ginawa nina Hillary at Faye


Natawa lang si Grae at inilagay sa auto-drive ang sasakyan niya at tinali ang buhok into a man bun at nagsuot ng isang black mask, napatingin siya sa rear mirror kung saan niya nakita si Clarity na parang estatwa na.


"Hey Apple"


"G-Gio!?"


"Kilala mo?" napatingin si Clarity sa mga kaibigan niya na gulat din, since wala namang sinabing may nakilala siyang lalaking nangangalang Gio. And thinking about it made our little Luna blush.


"Even if I really want to kiss those cheeks of yours Clari, maya na. May mission pa tayo eh" natatawang wika niya sabay pailing-iling.


Kinurot ni Zhenzi ang namumulang si Clarity, at nginisihan.


𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎Where stories live. Discover now