❥︎AZURA Kim Montecillo❣︎
"The news is indeed true"
"Oh my god what a cute couple"
"He doesn't deserve a bitch like her tch"
"I hope they are gonna have cute kids"
"so lame, he got no taste"
Long story short, dahil sa nangyari sa bahay nung Sunday na paparazzi kami. Di ko pala alam may nagstalk sa bakuran namin na fan at ayun inispread yung kinuha niyang video, so alam na din ng buong mundo.
Ako? Well I'm stuck with my hand intertwined in Kael's habang pangiti-ngiti kami sa nga tao.
Maliban sa'ming dalawa ay nakunan din ng fan ang sinabi nina Dadda kaya nakareceive sila ng maraming hate at nabawasan din ang mga potential investors nila but did they change? No. Ganun pa din sila.
"Welcome Ms. Kim" napatingin ako sa harap ko at nakita ang secretary ko, oo my secretary.
Kasalukuyan kaming nasa Azure Apparels Main Building, well gusto ko kase macheck yung designs ng nasa Wedding Categories kaya naisipan kong dito na lang kumuha.
Narinig ko sa iba na may mga sarili silang pagkukunan ng mga damit and I'm fine with it, hindi naman sa lahat ng oras pipilitin ko sila na dito na lang kumuha ng mga damit, they still have their own choices and okay lang ako dun.
Napatingin ako sa secretary kong si Lilith na kanina pa ngumingiti habang nakatingin sa amin ni Kael actually lahat ng staff ko.
"Lilith?" tanong ko sa kanya, hindi niya napigilang tumili at tinuro-turo ang mga kamay namin ni Kael, natawa naman ako at naramdaman kong binitawan niya ako, hayss okay na ak—"EEK!"
"AAAH!ANG CUTE NIYOO!" sigaw ni Lilith nung ipinalupot ni Kael yung kamay niya sa bewang ko, alam niyo gusto kong manipa.
Hinde, Hinde ako kinikilig.
Tiningnan ko si Kael at kinindatan lang ako nito. Playboy, siguro ilang babae na kaya ang nadali nito?
Anyways back to business.
"Enough about this Lilith."seryosong saad ko habang tinikop nito ang bibig at tumango. "Kamusta yung sa Wedding Categories?" bigla namang nanlaki ang mga mata niya, ay iba naman yu—
"Ikakasal ka na Ma'am!?" sigaw niya, mabuti na lamang at andito kami sa soundproof office ko, dadagdag pa yung kalechehan kung marinig ng iba.
"No Lilith, aattend ako ng kasal" sagot ko kaya tumango ito. Hay nako.
"Ay sorry po Ma'am."
"Anyways, Lilith right?" bumaling naman ang tingin ko kay Kael na for the first time namin dito ay nagsalita. Tumango ang secretary ko. "I think you'll keep your job if you keep shut that mouth of yours okay?"
Luh.
So natapos ang lahat ng tinakot ni Kael si Lilith kaya andito na kami sa office ng mga wedding designers pumipili ng susuotin.
"Ito ba yung mga bagong dating?" tanong ko sa isang worker rito na masayang tumango, si Lilith ay busy sa mga paperworkniya habang nakaupo sa harap ko si Kael, hanggang dito ba naman. "Sige na Marie maiwan muna kami" tumango ito ulit at umalis kaya binaling ko na ulit yung atensyon ko kay Kael na nakatingin lang sa'kin.
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Acciónʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?