❥︎AZURA KIM MONTECILLO❣︎
'Alam niyo bang ang pangit pangit talaga niyang si Azura?''Balita ko nagpa Nose surgery siya last 2 years!'
'Eew so Pango siya?'
'Tss makapanlait akala mo kung sinong maganda eh sa totoo ay peke lang naman siya'
'Such a fake!'
'Kawawang Mikael'
'Tss, iiwanan rin siya pag nalaman niya yung sikreto niya'
Itinaas ko ang volume ng headphones ko para ma-block ko ang mga painful truth na lumalabas sa mga bibig nila.
I confess, totoo nga ang sinasabi nila.
I had undergone plastic nose surgery when I was 16, had braces when I was 14 and sagad sa rebonding ang buhok ko at sagad din ako sa skin care.
They're right, I'm a fraud. I don't know how to love myself.
Naunang natapos ang klase ko kesa sa kanila kaya nagpaalam ako sa gc na uuwi na ako sa condo naming lima. Wala akong planong umuwi sa bahay, nakakainis dun, paniguradong sermon naman ang aabutin ko.
Kasalukuyan akong nasa bus stop sa tapat ng school, syempre hindi nawawala ang mga judging stares nila.
True, naapektuhan ako pero ano bang magagawa ko eh totoo naman eh pero hindi yun excuse na mapapa-api ako. I just kept my stoic expression as if hindi ako nasasaktan.
Pagkasakay so sa bus ay agad akong dumungaw sa bintana, naisipan kong umuwi ng maaga kasi gusto ko ako naman ang magluto ng hapunan namin.
Biglang may tumapik sa balikat ko, with my bored eyes I glanced over beside me only to groan.
"Hey Sweetheart"
Mikael Louis Del Vante
Huh, ba't di ko siya napansin kanina sa bus stop?
Napatingin ako sa ibang students sa bus na nakatingin din sa'min, ang iba mga adults na walang pakialam sa mga estudyanteng nakasakay.
"Hey" sagot ko at binaba ang headphones ko. "Ba't andito ka?"
"It's a coincidence babe" tss, feel na feel niya talaga. "Ba't absent ka for 2 days?"
Shit.
"Nilagnat ako, bakit ba?" sassy kong sagot sa kanya, he furrowed his brows at napaisip.
"Eh absent din sina Faye. Si Hillary excempted"he's so nosey.
"Ewan ko sa kanila, nasa bahay ako eh" so much lies. Tumango ito at agad sumandal sa balikat ko."Saan ka ba pupunta?"
"Ewan ko din. Wala akong mapupuntahan sa ngayon eh" mukhang sad mood siya ngayon. "ikaw?"
"sa condo namin"hmm, parang alam ko na ang mangyayari pagkatapos neto ha.
"pwede ba akong sumama?" bulong niya sa'kin.
"Luh ayoko nga" bakit? una, kami lang doon sa condo pangalawa, he's a boy pangatlo, I don't know what to do if something happens.
Inangat niya ang ulo niya at ngayon ko lang napansin ang mapupula niyang mga mata. Umiyak ba to?
"Please Azura? Hindi magjowa kundi magkaibigan?" namula ako ng kaunti at nginitian na lang ito.
"Basta magbehave ka" I softly replied, ngumiti siya at sumandal ulit sa balikat ko at naramdaman ko din ang pagyakap niya sa'kin.
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Acciónʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?