❥︎HILLARY BARTOLOME❣︎
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa ng hotel room habang nanonood ng Finding Nemo sa Netflix at ang kasama kong nanonood ay isang pack ng Caramel PopCorn at Sprite, well paubos naman sila. Hehe.It's my third day dito sa Cali, four more days to go bago ako bumalik ng Pinas kasama si Clinton. Actually we planned this week to be a hangout trip since andito si Grae surprisingly.
"IBALIK MO BRIEF KO GRAE!"
"AKIN KAYA TO! SIGURO MAY PAGNANASA KA SA'KEN"
"MAMATAY KA MUNA BRO!"
Speaking of the devils.
"Hoy mga tukmol, hindi ko na naririnig ang sinasabi ni Dory oh" maktol ko sa kanila.
Kailangan ba talagang magsigawan sa likod ng isang taong nagrerelax na para bang hindi binibigyang screentime ni author? Kase halos sa ibang estorya ganun din eh.
Yung magpapakitang gilas para lang mapansin na buhay pa pala sila sa story, hindi ba sapat na kasali kayo sa monologue ko?
"Eh parati namang 'Just Keep Swimming' yang sinasabi niyan eh" dinig kong sabi ni Clinton at naupo sa tabi ko sabay takaw ng popcorn ko.
Teka na—
"Tas kung hindi yan ang sasabihin, palagi naman siyang may nalilimutan." napatingin naman ako kay Grae na umupo sa tabi ko sabay takaw ng Sprite na bagong bukas.
Salamat may isa pa ako rito sa ilalim ng mesa—
Pop!
Inangat ko ang ulo ko at nakitang iniinom na pala ni Clinton ang huling sprite ko sa ilalim.
"Tangina! Ba't niyo ba inuubos pagkain ko ha!? Wala ba kayong pambili!?" inis kong sigaw pero natauhan ba sila? wala, nakangiti lang na parang mga unggoy.
"Tinatamad akong maglakad papunta sa convenience store" sagot ni Grae.
"Tinatamad akong mabuhay" sabi naman ni Clinton.
Ngumiti ako.
"Eto na lang, Grae kung tinatamad kang maglakad halika ka putulin natin yang mga binti mo para gumapang ka nalang papuntang convenience store, gusto mo ba yun?" nanginig naman ito sa takot kaya tumayo at pumunta sa kusina.
Binaling ko naman ang tingin ko kay Clinton. "At ikaw Jarendelle, kung tinatamad kang mabuhay gusto mo papatayin kita rito? On the spot. Wala akong pakialam kung makukulong ako" syempre may back up ako. Iilan lang ito sa mga perks ng Mafia.
Napa-ubo naman ito at tiningnan ako, tiningnan niya ako gamit ang mga matang parang kinuha niya mula sa mga bituin at ipinilit na ilagay diyan sa mga mapupungay at mala-pusang mga mata, at kung pano niya akong tingnan ay para bang ako lang ang babaeng pinahahalagahan niya sa mundo, at parang ako lang ang babaeng hinirang para makasama siya hanggang kamatayan—
Galing ko talaga mag monologue!
"Hoy Bundok!" napakurap ako at namalayang kanina pa pala ako titig ng titig.
"Anong bundok!? Tao ako hindi Anyong Lupa!" sagot ko sa kanya, natawa naman siya ng konti.
Ayan nanaman, yung tawa niya ay parang isang bag ng rainbows at unicorns na binudburan ng sprinkles at chocolate syrup, pero sino bang tanga ang kakain ng buhay na unicorn at natural phenomenon pag itoy may syrup at sprinkles ha?!
YOU ARE READING
𝗞𝗻𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗼𝘀𝗲𝘀|☠︎︎
Actionʀᴏsᴇs ᴀʀᴇ ʀᴇᴅ ᴠɪᴏʟᴇᴛs ᴀʀᴇ ʙʟᴜᴇ ᴛʜᴇʀᴇ's ᴀ ᴋɴɪғᴇ ɴᴇᴀʀ ʏᴏᴜʀ ʜᴇᴀᴅ, ᴡᴀɴᴛ ᴍᴇ ᴛᴏ sᴛʀɪᴋᴇ ʏᴏᴜ?