EUDAIMONIA-33

222 21 21
                                    






CAPTAIN



Alas-tres na ng hapon nang biglang dumalaw ang tatlong kumag sa bahay ko. Namiss daw kasi nila ako kaya hindi na nila ako ininform at basta nalang nag-trespass sa bahay ko. Okay lang naman, hindi naman sila mga mukhang akyat bahay e.





"Pare naman! Sa isang linggo mong pabalik-balik na lipad wala ka man lang pasalubong sa amin? May favoritism ka!" nagtatampong sabi ni Frank sa akin.





"Oo nga naman. Yung mga asawa namin, may natanggap mula sa'yo samantalang kaming mga kaibigan mong tunay, wala?" singit pa ni Anton sabay lagok ng juice.





"Ganyan talaga 'yan si Joaquin! Hindi tayo mahal niyan. De, pare, okay lang naman. Naiintindihan naman namin." hindi rin nagpahuli si Aries.





Ewan ko, may mga pera naman ang mga 'to bakit kaya umaasa pa sa pasalubong ko? Kung pupwede lang bigwasan ko sila isa-isa ginawa ko na ngayon mismo.





"May pasalubong ako sa inyo mga pare!"





"ANO?!" sabay sabay na sabat nila sa akin at tinabihan ako. Mga sipsip talaga.





"Sama ng loob."




'Pagkasabi ko 'nun ay sunod sunod na kurot, suntok, at pingot ang naranasan ko. Kung nandito lang si Dennise, hindi niya papayagang apihin ng mga ito ang boyfriend niya. Kawawa naman ako!




"Pare, tingnan mo 'to. Nakita ko lang sa facebook feed ko kagabi. Hindi kasi ako sigurado e..." Frank's face became serious as he offers me his phone to see what's with it.




"Ano 'yan?" -Anton




Dennise Grace Reyes is tagged in this post with Basti Villanueva and 4 others




Automatic na napataas ang kilay ko nang makita ang mga litratong naka-post sa Facebook. Hindi ko maiwasang hindi mag-selos dahil kaselos selos naman talaga ang mga nasa litrato.





Yakap siya



Kasayawan siya



Kainuman siya



Nang iisang tao. Nang isang lalaki.




Nagkatitigan kaming apat ng ilang segundo at sabay sabay na napahinga ng malalim. Aries even ate a bag full of chips because of the tension we've been experiencing as of the moment.




"Sino 'yang Basti Villanueva? Kilala mo ba 'yan?" tanong ni Anton sa akin. Umiling naman ako, paano ko sasagutin? Hindi ko naman talaga 'yan kilala.




"Bakit kasama niya si Dennise? I mean, Pare, alam mo bang may ganyang photos? Nagulat nalang din akong nakita ko sa feed ko eh." -Frank




Parang nag-iinit ang buong katawan ko. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. I don't know kung selos, galit, o tampo ba ito. Kaya pala wala siya nang puntahan ko siya. Kaya pala sila Sophie at Manang, wala ring alam kung saan siya pumunta noong araw na 'yun.






Bakit hindi man lang niya ako tinawagan? Bakit ganung klase pa ng mga litrato ang makikita ko? Of all people?



"Pare, I know you're jealous. Pero let that settle muna. Huwag mo paiiralin 'yang selos at galit mo just because of these photos. Mamaya, may backstories naman pala." sabi ni Anton sabay tapik sa balikat ko.





EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon