EUDAIMONIA-34

226 21 21
                                    

DOCTOR


"Nag-away kami." 


Yan ang bungad ko nang magkita kami ni Lovelle sa favorite naming coffee shop. Na-sense niya kasing hindi ako nasa magandang sitwasyon kaya she decided to get along with me.



"Talaga? Langya. Malala ba? I mean, sobra?"






"Siguro. Sinapak si Basti, e."







Napasapo si Lovelle sa kaniyang noo sabay higop ng kaniyang kape. "May sugat?"






"Malamang. Gusto mo i-demo ko sa'yo?" masungit na sabi ko sa kaniya. Haaay, tatlong na araw na nakalipas at hindi pa rin kami nag-uusap ni Joaquin.






"'Wag na. Mukha ngang malala. Eh ano naman rason bakit humantong sa ganyan yung away niyo...at nadamay pa ang childhood sweetheart mong si Basti?"






"Excuse me...I made a right choice na hindi ko siya sinagot before. Hindi ko siya type now."



"Oo na. Ano ngang problema?"




Tatlong araw na, mainit pa rin ulo niya.  Iniisip ko nga kung anong pwede ko gawin para 'di na siya magalit sa akin. Hindi ako sanay e. Gusto ko na tuloy siya puntahan.




"Nakita niya yung mga photos na hindi ko akalaing magagawa ko kapag lasing. Well, sige, 'di naman gaanong lasing. May tama lang. Sa lahat ng photos, Sebastian was there. Pero—ewan. Basta! Ayun na 'yun. Gets mo naman na 'di ba?"





Tumango naman siya, "E ikaw naman pala 'tong gaga eh. Ayun pala yung nakita ko kagabi! Nakakagalit naman kasi talaga. Biruin mo, you're sitting on his lap tapos may isa pa na nakayakap siya sa'yo. If I were on his shoes, I'll do the same thing Joaquin did."






I sighed, "Oo na nga. Can you stop blabbering about those photos? Nakainom ako. And it's my fault. Hayop na 'yan talaga! Sana nakipag-samgyup nalang ako sa inyo."






Lovelle laughed demonically, "Regrets? Regrets! Sayang! Pero, make bawi nalang to Joaquin. Hindi ka naman niya matitiis. Nagpapalamig lang siguro talaga ng ulo 'yon...teka nga—para kayong teen-agers ah! Yuhck!"





"Grabe ka naman.." mahinang sabi ko nalang sabay salumbaba. Ipinapangako ko talaga sa sarili kong hindi na ako iinom nang walang chaperone. Ang daming hassle sa buhay.





"Nga pala, chinika ni Sophie sa akin na ang bongga raw ng gift sa'yo ni Captain nung birthday mo ah." 




Napatingin naman ako sa kaniya sabay irap. Lahat nalang talaga ng nangyayari sa buhay ko ay nalalaman nila.




"Paano mo naman nalaman?" tanong ko. Pinakita ni Lovelle sa akin ang chat sa kaniya ni Sophie na sinasabi ngang may gift daw si Joaquin sa akin.





"Ano yung gift? Jewelry ba? Diamond?"






"OA. Hindi naman umabot sa ganyan!" I jested, munching my bread.






"Taray ni Wackie ha! Kamo, ako nalang ang jowain at makipag-break sa'yo!"



My brow raised a bit, "Wackie?"





"Si Joaquin. Wackie, Joaquin. Eh, basta. So ano?"





Natawa naman ako, "It's a dog."





EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon