EUDAMONIA-2

350 17 28
                                    

CAPTAIN

Kasalukyan na akong nag-iimpake ng gamit ko para kinabukasan ay aalis na lang kami. Ilang days lang naman kami dun sa Quezon, hindi kami pwedeng matagal kasi panigurado ay may naghihintay na trabaho sa amin pagbalik.



Ayan, after ng ilang minutes. Nasara ko na ang bag na gagamitin ko para umalis. Inilagay ko iyon sa ibabaw ng table tabi ng aking kama tapos kinuha ang pomeranian husky dog at kaisa-isahang anak ko na si Bebu. Regalo lang ang aso na ito sa akin nung ika-35th birthday ko. Napamahal na sa akin ang asong ito at gustong gusto ko na lagi siyang nakikita.




"How are you, Bebu, my love?" I asked her and started caressing her head but she keeps on licking my cheeks. "Aww, you miss dad, huh? You miss dad? Yes? Yes!"

I rub Bebu's ears to show that I miss and love her too, "Bebu, aalis si Tatay tomorrow ha. I'll leave you to Ate Janet. Saglit lang yun, Tatay will be back after a week." explain ko. Nagulat ako kasi bumaba si Bebu sa lap ko at humiga sa kaniyang higaan sa gilid ng kama ko.

Mga ilang minuto lang, I heard Bebu's whine. I got up from my bed and approach my dog, "Aww, bebu. Don't do that, you're making this hard for me to leave you. Sige ka,"

Matagal tagal rin siyang hindi tumigil kaka-iyak, pero when I was about to go back on my bed, Bebu barked and licked my feet.

"Tatay will be back. Kapag pwede na, isasama na kita." I whispered then cuddled her for a while until she drifted off to sleep.

-----

5:32 AM

Nasa van na kami ni Anton ngayon. Medyo mahaba haba ang biyahe, buti nalang dala ko ang neck pillow ko. Pero alam niyo bang hindi maganda ang timpla ng umaga ko ngayon? Malamang, hindi. Paano ba naman kasi, hindi naman ako nasabihan na kasama pala nila ang kani-kanilang asawa sa letsugas na weekend trip na ito. Eh 'di sana pala umurong na ako nung una pa lang.

Pinamumukha lang nila sa akin na 7th wheel ako. Hindi nakakatuwa!

Mukha akong etsapuwera lang, dahil bukod sa mga may kasama silang asawa, pinakalikod pa ng van ang puwesto ko! Pambihira, sa guwapo kong 'to mukha akong alalay.

"Pareng Joaquin! Ayos ba tayo diyan?!" sigaw ni Aries mula sa pinakaharap ng sasakyan. Nagtawanan naman silang lahat dahil sa nakabusangot kong itsura.

"Ulol! May araw din kayo sa akin!" sigaw ko pabalik. Nilabas ko ang earphones ko and plugged it right on my phone. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanila ngayon. Makikinig na lang ako ng music, baka sakaling mawala pa ang inis ko sa mga asungot.







---

DOCTOR

Thursday ng gabi ako umalis para bumalik sa resort, that's why mag-uumaga pa lang ng Biyernes ay narito na ako. Tumulong naman akong mag-organize kanina. Pati nga pagluto ng mga pagkain, pinakeelaman ko na kahit wala ako gaanong alam sa kusina.



Eh, magtatanghali naman na ngayon. Sikat na sikat na ng araw tapos sobrang init pa ng panahon, perfect time para magpakalunod sa beach nang walang kasawaan.




"Madam, kararating lang nung mga huling guests natin for today." ani Cynthia habang hawak ang record book sa kamay niya.




"Ah, okay. Sige ikaw na bahala mag-acommodate, Cynthia."






"Hala ma'am 'di ba dapat isa kayo sa mga makiki-"



I cut her off by my words, "Haisshhh! Kaya mo na 'yan, Cynthia Batumbacal. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nagpapakita sa mga guests as the owner of this resort, right? Bahala ka nang daanin sa charms mo ang mga guests para mafeel nilang welcome sila dito!"



EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon