EUDAIMONIA-54

160 11 23
                                    









DOCTOR





We didn't expect Corrine to be like that earlier, buti nalang hindi na naging big deal sa barkada kasi sinundan naman siya ni Theodore agad. I hope they are now okay and well. Naaawa ako sa bata, siya yung naiipit sa set up ng magulang niya. Pero sigurado naman akong nasanay na rin si Luna sa ganoon.






"Bakit kaya nag-walk out 'yun si Corrine mahal?" Joaquin asked. Sumampa na siya sa kama at tumabi sa akin. I shrugged my shoulders kasi 'di ko rin naman alam.





"Sana 'di sila nag-aaway. Sayang naman kung buong vacation nila nag-aaway silang mag-asawa." dagdag pa nito, niyakap na niya ako. His head on my neck.






"Ex." I corrected. Joaquin looked up and smirked. "Ganun din yun e. Pustahan tayo, mahal, magkakabalikan 'yan." he confidently told me.





I didn't answer. Humikab ako at pinaayos siya ng higa, umusog lang siya pero mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin at nagsimula na rin niyang kausapin ang anak namin. Night routine niya yan bago kami matulog.





I'm excited. Organized na rin ang nursery room ng anak namin, pati gamit kumpleto na. 




"Kapag balik natin sa Manila, may schedule ka ng ultrasound kay Doc. Sasamahan kita."Joaquin whispered.



"Okay."




"I'm excited to see her face. Kamukha mo kaya? O kamukha ko?"




"She'll look more like me. I'm the mom." I chortled. He shook his head and smiled before leaning closer to kiss my lips.



"Love you Nanay, pero I disagree. Hindi ba pwedeng hati tayo? Hindi lang naman ikaw ang may good genes dito," then winks. "Ako rin." I instantly rolled my eyes at him.




"Ay sus. Ayaw magpatalo. But we'll see, okay? We'll see."



Joaquin breathes, "Hmmm. I'm still thinking of names. Gusto ko 'paglabas niya may itatawag na ako sa kaniya."




I nod slowly and strokes his hair, "Sige. I'll give it to you na. Ikaw na bahala ang mag-isip."


He grins, "Hehehe. Hindi ka ba naiinis na excited ako masyado?" I shook my head. To be honest, hindi naman. Okay nga e. Naaaliw ako sa kaniya.


"Why would I? Natutuwa nga ako sa'yo. For sure lagi kayong magbo-bonding nito. And I can't wait to see you two enjoy your father-daughter moments."





———


Naalimpungatan ako na wala ang asawa ko sa aking tabi. I checked my phone to see the time and it says 2:15 in the morning. I first adjusted my sight before carefully standing up to find him. Baka nag-cr lang.



"Mahal?" I called and knocked on the bathroom door. I waited for seconds but there were no signs of Joaquin inside. No one answered.






I grabbed his jacket that was placed on top of the small vanity near the bead and wore it. Medyo malamig na sa labas dahil nga madaling araw na, although may mga iilang bakasyunista pa rin naman ang mga gising pero malayo na sila sa kung saan kami.






Karamihan mga nasa mid 20's kaya okay lang sa kanila magpuyat. Pero sa akin, hindi. Lalo at buntis ako. Nasaan ba itong lalaking ito?  Nang buksan ko ang pintuan ay nakita kong naglalakad palapit sa akin si Joaquin.





EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon