DOCTOR
"Nagkita kayo sa mall? O tapos, anong nangyari after? Ang lupet niyo ah, may pagtabi sa picture tsaka may pagkain sa labas? Mag-jowa?" Doc Lovelle asks. Kinukwento ko kasi sa kaniya na nagkita kami ni Joaquin sa mall accidentally nung isang araw. At as usual, kilig na kilig ang bruha.
"As far as I remember, sinabi niya na he likes me? I don't know if that's the exact word. May pa-cardiac cardiac muscle pa kasing nalalaman," I said and fixed my reading glass.
Lovelle stood up, claps her hand and squeals silently. "So he confessed?!"
I out down the papers I was about to read, "Confessed? Baka naman yung gusto niyang sabihin, gusto niya ako as a friend. Ganun! Lovelle, stop daydreaming pwede ba?"
"Girl, read between the lines naman! I know he likes you not as a friend—I think gusto ka niya talaga. I mean you know? Attracted siya sa'yo."
I raised my left eyebrow and smiled sheepishly to her, "Kung attracted siya sa akin, problema na niya 'yun. It's not my fault to be this pretty."
"Ay ang haba ng hair! Sige, bahala ka, baka may pumila diyan na iba. Huwag na pakawalan—mukhang matino pa naman."
Those were the last words I heard from Lovelle before she disappeared from my sight. Yes, I do understand kung anong sinasabi ni Lovelle na read between the lines. Hindi naman ako bulag para hindi makita ang mga ginagawa ni Joaquin sa akin this past few weeks. I can't figure out why I kept seeing him. Akala ko tapos na yung sa Quezon. Hanggang dito pa rin pala sa Manila. At kung pinopormahan man ako nung kumag, pwes magka-alaman kami.
I'm not into playing games, Captain...
———
CAPTAIN
"Umamin ka sa mall?! Ang romantic mo ha!" sarkastikong bulalas ni Aries matapos kong ikuwento ang kaganapan nang magkita kami ni Dennise.
Nagyaya kasi sila maghang-out sa bahay ni Frank. Ganun pa rin, kasama nila mga asawa nila. Nasa loob yung tatlong babae, ewan ko lang kung anong ginagawa. Anyways, back to the topic.
"Siguro naman hindi niya seseryosohin! Mataray 'yun e at busy sa buhay. Tsaka walang interest sa akin si Dennise! Hindi ako nun bibigyan ng oras para sa ganun." paliwanag ko pa at tinungga ang bote ng San Mig Light.
"Bobo, malamang mapapaisip din yun sa mga sinabi mo lalo na at corny yung punch line mo sa mall." singit ni Frank.
"Bakit naman kasi 'di ka muna nag-text o tumawag man lang? Para sana napaghandaan natin yung pag-amin ng punyetang feelings mo kay Doc. Dinamay mo pa si Bebu!" sabi ni Anton.
Hindi na ako makapagsalita. Ayan na naman sila, sinesermunan ako. Bakit? May tamang paraan ba para umamin ng nararamdaman sa taong gusto mo? Hindi ba puwedeng hindi mo na talaga kayang itago at pigilin pa? Hirap kasi sa mga ito e.
"O ano ang plano mo ngayon? Liligawan mo agad?" -Frank
"Ligaw agad? 'Di ba puwedeng getting to know each other muna?" -Aries
"Tingin ko mas okay na ligawan na ni Joaquin. Baka kasi may mauna pa kawawa naman alaga natin." -Anton
Nagsaalit-salit ang tingin ko sa mga opinyon nila. Hindi naman ako nagmamadali na ligawan si Dennise agad agad dahil masyadong mabilis ang lahat. Gusto ko lang naman na bulabugin siya hanggang sa pwede na siyang ligawan.
I don't wanna commit in a relationship if the girl I want to be with isn't ready for me yet. Ayoko ng ganun. Magulo at toxic kapag nagkataon. Mas mabuti nang sigurado talaga ako.
"Pero sa totoo lang, pare? I think bagay talaga kayo ni Dennise para sa isa't-isa. Biruin mo? Maganda siya, matalino, masipag, doktor! Higit sa lahat single! O ano pa?" sabi ni Aries bago buksan ang panibagong bote ng alak.
I don'r usually drink. Kapag may occasion lang naman ako umiinom o kaya naman gusto ko lang mag-wind tulad ngayon.
"Bibigay kaya 'yun sa akin?" tanong ko.
Anton, who is now beside me taps my shoulder, "Oo naman. Joaquin pa ba? E matinik ka di ba?"
Matinik talaga ako.
—
The next day
May lipad ako ngayong araw, medyo maaga pa naman at katulad ng palagi kong sinasabi, nadadaanan ko ang clinic ni Doktora. Malapit na ako ngayon dun para kamustahin siya after ng encounter at semi date namin sa Mall.
Biruin mo si Bebu lang pala ang makakapag-papayag kay Dennise para sumama sa amin. In just a span of short time, pakiramdam ko talaga girlfriend ko siya. Siya kasi halos ang nakahawak kay Bebu as if siya pa ang may ari. Ang cute lang.
"O? What are you doing here?"
Nandito na pala ako sa tapat ng clinic niya at nandito rin siya sa harapan ko ngayon. Kakabukas lang ng clinic niya ah? Wala pa yung mga kasama niya. Wow, most punctual.
"Hello." bati ko as I take off my shades. With hands on her waist, she greeted me as well.
"So anong ginagawa mo nga dito?" ulit niyang tanong. Ako naman, sumandal sa kotse ko habang nakahalukipkip.
"Wala," I replied. "Kamustahin ko lang girlfriend ko."
"Whatever." she said. I saw a little smile formed on her lips. Kinilig siya? Ako rin naman. Wala pa siyang ginagawa, kinikilig na ako.
"Nasaan na mga kasama mo, mahal? Bakit ikaw pa lang mag-isa?" I teased. Her brows furrowed in annoyance as she walks inside her clinic. I followed her then she turned around to face me.
"Ano na naman bang kailangan mo dito at ginugulo mo na naman ako?"
"Hindi naman kita ginugulo ah?" I retorted and smiled again at her, "I just wanna see you before I take my flight later."
"Bakit ano namang magagawa niyan kung makikita mo ako bago ka umalis? Meron ba?" she sarcastically asked.
"Yes, meron."
"Ano?"
I chuckled, "Basta."
She took a deep breath and then slightly pushed me out of her clinic. "Okay. Kung wala ka nang gagawin dito, you can go now. May you have a safe flight. God bless. Thank you for visiting here. Go, go! Adios!"
I just shook my head as I grabbed my key from my pocket to open my car. Pero bago ako tuluyang makapasok sa sasakyan ko ay tinawag ko ulit siya dahilan para lingunin niya ako sa direksyon ko.
"Doc!"
"WHAT?!"
"I haven't left yet pero namimiss na kita agad."
I saw her blushed.
———