EUDAIMONIA-12

210 17 15
                                    


DOCTOR




"Ano, dok? Jowa mo?"




"Ang taray, meme! May pagsundo sa'yo kanina! Nagpa-alam pa sa akin!"





"Doc, 'di ka nagsasabi sa amin. Kailan pa 'yan? Bakit naman 'di namin alam?! Pakshet! Ang guwapo!" 




Pagbalik na pagbalik ko ganyan ang bumungad na mga tanong sa akin. Ni hindi ko pa nga naibababa ang bag ko! Mga chismosa talaga. Mas chismosa pa kay Cynthia itong dalawang 'to kaya hindi ko na sila sinagot pa.



"Sinong naka-scheduled today?" tanong ko at kinuha ang files sa tapat ni Lovelle. Inabot naman niya sa akin habang nagtinginan sila Sophie.




"Dok, ano? Jowa mo nga?"  pangungulit sa akin ni Sophie. Sinundan niya ko, at ako naman nirereview ko yung mga oras na naka-schedule for check ups ng mga pets. Wala akong panahon makipag-usap dito. Ang ganda ganda ng mood ko, e.




"May follow up check-up ang cat ni Miss. Millare mamayang 2:30." sabi ko nalang tsaka inabot pabalik kay Sophie ang mga papel. I rested my body on a swivel chair, closed my eyes for a minute and then breathes deeply.





I bit my lip when I remembered that Joaquin and I were friends on facebook. Actually, it's not a big deal. But I feel something strange. I can't explain but my heart seems to jump every time I take a look at what happened in Quezon. During that little time, I felt like I had a friend.




My muni muni was interrupted when my phone suddenly dings. I picked it up and instantly twitched my lips upon seeing the notifications.




Joaquin Saavedra: Thanks doc sa pagpayag na bumawi ako sayo. I had fun haha! :)


: I had fun as well. Thanks! Take care lalo na si Bebu.


Joaquin Saavedra: Noted mommy. Joke






Hindi na ako nagreply pa matapos mabasa ang huli niyang message dahil nariyan na pala ang next patient. I grabbed my coat and went directly to do my job.








———


Ms. Millare's siamese cat has this disease called Ringworm. Although the name suggests otherwise, ringworm isn’t caused by a worm at all—but a fungus that can infect the skin, hair and nails. Not uncommon in cats, this highly contagious disease can lead to patchy, circular areas of hair loss with central red rings. Not to mention, pwede rin itong kumalat sa mga tao.




(a/n: google is da key mga teh haha sorry. bat ba kasi vet trabaho niya dito?!)





"Naku, good news. Okay okay na si Maria Ruby. Continue lang her Topical Treatment. And there are  creams and ointments na available i-apply to localized areas of the skin affected by ringworm. Later, my assistant, Sophie, will give it to you. I cannot suggest to shave her hair, Ma'am ah. Okay sana 'yun if one or two areas lang ang affected...kaso hindi, e. So better to have the creams nalang." I explained while I check Maria Ruby's skin.






Hindi ko alam pero ang gaan sa pakiramdam na ilang years na akong vet nitong si Maria Ruby and yet nae-excite pa rin siya kapag nagkikita kami. Tuwing nagkakasakit ang siamese cat na ito, ako ang puntahan ni Miss Millare. Malamang, veterinarian ako. Pero bukod dun, naging friends din kami.





"You heard that, Maria Ruby? Konti nalang, 100 percent na magaling ka na. Come on, you thank your Doctor. Den!" 






Ngumiti naman ako nang iabot ni Maria Ruby ang kaniyang kamay sa akin as if we're doing a handshake. "Haha! Always welcome, Maria. Doctor Den is happy to serve you."






"O siya, Doc. We'll go ahead na po. Thank you for the check up today. See you when we see you again." paalam ni Miss Millare after iabot ni Sophie ang mga gamot.






I love my job, I love my job!











———

CAPTAIN

Bahay lang ako ngayon. Wala namang flight eh. At least makakapagpahinga ako ngayon. Si Ate Janet pinauwi ko muna, pababalikin ko nalang siya kapag may lipad na ko ulit.





Nabo-bored ako, wala akong ibang magawa kung 'di mag-scroll nalang muna sa facebook ko. O teka. Speaking of facebook, pwede ko naman na palang tingnan ang timeline ni Dennise tutal we're already friends.





Gandang bungad agad pagkapunta ko ng timeline niya. May selfie post siya 12 minutes ago!



Tingnan mo 'tong si Frank, Anton at Aries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tingnan mo 'tong si Frank, Anton at Aries. Lakas tumawa akala mo mga hindi dumaan sa ganyan.  Mas malala pa nga sila dati noong college days eh! Talagang sinusundo nila sa bawat schools yang mga asawa nila dati kahit 'di pa nila girlfriends.






Ang dami pala niyang post dati. Karamihan mga rants niya sa pagiging vet. O 'di kaya ay mga pictures taken kapag nagta-travel siya. Mahilig pala siya gumala? Ang dami niyang pictures e. Meron sa Japan, Switzerland, Alaska at marami pang iba. Interesting. Isa kaya siya sa mga pasahero ko before?





*phone buzzed*


Dennise Reyes: Hi. Will you stop? Nakakainis ka.




My brows met upon reading her message. Ano na naman ginawa ko?




:What did I do?



Dennise Reyes: You shared my photo. Alam mo umisa ka pa talagang iba-block kita.





I secretly smiled. Pikon na naman siya. Kung nakikita ko lang ang hitsura niya ngayon, panigurado akong nakabusangot na naman siya.




: Huh? Napindot lang un xd




Dennise Reyes: Whatever you say. Stop sharing my photo you weirdo! Thx and bye







Pasalamat nga siya ako na nagshe-share ng photo niya para malaman ng other friends ko sa facebook na may natitipuhan na ako tapos ayaw pa niya? Sa guwapo kong 'to ah?!








Nag-react nalang ako ng like sa kaniya as I turn off my phone. Ganda niya talaga. Exotic beauty. Sa mga naging girlfriends ko at sa mga nagustuhan ko...siya ata ang pinakamaganda sa lahat. Siya rin ang pinaka-kakaiba ang pakikitungo sa akin.









Tsk!











EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon