EUDAIMONIA-3

290 16 19
                                    





DOCTOR



Natatawa ako sa kanila pero nangingibabaw ang pagkapikon ko. Okay lang naman sa akin na nag-ask sila kung pwede ko silang kuhanan ng picture, maayos naman yung pag-approach...pero ang hindi okay ay halos magfi-fifteen minutes ko na silang kinukuhanan ng litrato! Sana nag-hire sila ng official photographer para siguradong magaganda talaga ang kuha sa mga pinagpo-posing nila.




Kalalaking mga tao, daig pa kaming mga babae mag-demand sa pictures! Kesyo 'di ready si ganito, 'di nakatingin si ganyan! Jumpshot, wacky--Bwisit!



"Ayan! Maganda na sa wakas! Thank you ha, sorry kung naabala ka namin..." sabi ni Dimples habang tinitingnan ang mga photos sa kaniyang DSLR Camera.



"It's okay," sagot ko nalang. When I was about to go, the Machete man stop me from leaving.


"Uy, Miss! Ako nga pala si First Officer. Frank San Juan, Pilot." pakilala niya, he extended his hand to me which I accepted either way.




"Ako rin, First Officer. Anton De Vega. Piloto rin." Anton pala ang pangalan ng mukhang kontrabidang ito. Hindi bagay ang name sa mukha niyang Anton, tunog pa lang pang-may ari ng hacienda eh. Dapat sa kaniya, Wilmar. Yun! Mukhang action star.



"And I am Captain. Aries Hudson." si Mr. Dimples. Nginitian niya ako, siyempre ngumiti ako pabalik.




Hinihintay kong magpakilala yung lalaking isnabero para matapos na at makabalik na ako sa loob. Sinisiko na siya ni Capt. Aries pero deadma lang siyang nakatingin sa buhangin. May sapi ata talaga itong lalaking ito...


"Huy..." tawag ni First Officer. Frank



Medyo nagulat siya sa pagtawag ng kaibigan. Mukhang lumilipad pa ang isip nito, ah.



"Ha! Hello, Captain. Joaquin Saavedra. Single..." he said, after nun ay nakipag-shake hands na siya sa akin.



So, Joaquin is his name...



Nagtawanan yung tatlong ungas sa sinabi nito. Ang mukha niya parang nagtataka sa mga nasabi ng bibig niya.



"Pucha. Anong single, Joaquin? Ang sinasabi namin...yung trabaho. Hindi relationship status, ugok!" natatawang saad ni F.O Anton sa kaniya.



Bago pa ako tuluyang mabwisit sa kanila ay wala na akong pasabing umalis at dumiretso sa opisina ko. Hay! Peaceful break nga!






----

CAPTAIN




Pakiramdam ko nilalamon ng hiya ang sistema ko dahil sa mga naibulalas ng bibig ko sa babaeng nagpicture sa amin four hours ago. Parang gusto kong may lumamon sa akin kasi 'di ko alam na baka mamaya pala na-offend siya kanina sa mga nasabi ko.




Sumbong ko kaya itong si Aries, Frank, at Anton sa mga asawa nila dahil nagpakilala sila don sa babae kanina? Para makaganti man lang ako kahit papaano!




Hay, wag na nga! Mamaya masira pa pagkakaibigan namin dahil lang dun.




EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon