DOCTOR
As of today, wala pa namang patient kaya chillax lang muna kami kasama si Lovelle at Sophie. These past three years, hawak ko ang oras ko dahil I have my own clinic. Hindi na ako nakiki-share sa ibang vet. At the same time, mas nakakagalaw ako ng maayos kapag sarili kong oras ang naima-manage ko. Hindi ganun ka-hassle kumpara dati na halos magmadali ako para lang mahabol ang time.
"Kape o! Doc, Sophie.Kakadeliver lang niyan ngayon ngayon."
Himala. May himala! Nanlibre ng kape si Lovelle at Starbucks pa. Sa tinagal tagal naming magkasama ngayon lang siya nanlibre. As in ngayon lang. Gusto ko tuloy umiyak sa harapan niya at yakapin siya ng mahigpit para magpasalamat sa kabaitang ibinahagi niya ngayon.
"Totoo ba itong nakikita ng mga mata ko, Doktora Gracia?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Sophie habang titig na titig sa dalawang hawak na kape ni Lovelle.
"Parang hindi. Namamalikmata ata ako." pag-gatong ko naman sa kaniya. Lovelle placed the coffee on top of my table and sat in front of me.
"Ay? Bakit ang Over acting? Parang ayaw niyo naman atang nanlibre ako ngayon?"
Kinuha ko ang kape na binigay niya at humigop ng dahan-dahan. "Kasi first time ito. Hindi ako makapaniwala! But anyways, thanks for the coffee..." sabi ko.
"Doc, maiba tayo..."
I immediately lowered my coffee to listen to Sophie. They are like your chismosang kapitbahay every afternoon because of their looks.
I put my hand under my chin para kunwari interesado ako. Magtatanong na naman kasi iyan about sa buhay buhay namin. Pero okay lang naman, wala pang patients.
"O ano?" -Lovelle.
"Kailan ka ba magkaka-boyfriend?"
"O teka...labas ako diyan. I'm in a relationship." singit agad ni Lovelle.
Lagi kaming magkakasama pero lagi ring ganyan ang tanong nila. Hindi nagbabago. E kahit paulit-ulit naman, isa pa rin ang sagot ko eh; Darating at darating kung para sa akin.
As I say, I am not in rush. Kahit pa umabot ako ng 40's, 50's, or maybe 60's kung dun lang darating ang para sa akin then go. Ayaw kong ipilit ang sarili ko sa taong walang kasiguraduhan. I'm reserving myself for the one I truly love.
"E baka naman kasi malay mo matagal na pala siyang dumating tapos hindi mo lang napapansin or iniignore mo kaya nawawala." bulong ni Lovelle.
I tsk-ed, "Lovelle, kung nawawala sila o umaalis sila, isa lang ang ibig sabihin niyan.."
"Ano?"they said in unison and then they looked at me.
"Hindi sila para sa akin. Dahil kung talagang destined sila for me, hindi 'yan aalis."
"Baka umaalis kasi they do not understand you? I mean kasi you're independent. You're smart. Workaholic. Sometimes stubborn and all..." -Sophie.
"Ang hirap i-explain, Sophie, 'no?" I joked but then I continue, prente lang silang nakatitig sa akin. "Pero here is the thing:I am not looking for someone who will suddenly leave when I, myself, do not understand myself. I am looking for someone who would stay by my side even if he could no longer understand me. Nagegets niyo ba? Ganun!"
I chuckled as they both clapped their hands. Oh God. That was probably the first time I could say my insights and such serious words to them.
"Kaya naman pala! Wow, sige na nga. Ganun nalang din hahanapin ko kapag nagkaroon na ulit ako ng jowa. Pero sa ngayon, hindi na muna because I'm in the moving on stage pa rin." Sophie told me and acted like she's about to cry. Arte.
Nahinto ang pag-uusap namin dahil narinig namin ang pagbukas ng pinto. Agad agad kaming tumayo at umayos because we thought na pasyente ito. But then we were wrong. Guess who's here?
---
CAPTAIN
May flight ako ngayon at late ko na rin nasabihan si Ate Janet na bumalik sa bahay, baka by 6 pm pa ata siya makakarating kaya hindi ako magkanda ugaga ngayon. Lintek! Wala na palang dog food si Bebu, ngayon ko lang napansin because I was about to feed her. May tatlong oras pa naman ako para makapunta sa airlines-kaya lang baka malate pa ako ng koonti kasi bibili pa ako ng pagkain para sa aso ko. Alas singko na ng hapon at alas nuebe ang lipad ko.
I hastily grabbed my keys at nag-drive padiretso sa pinakamalapit na bilihan ng mga dog foods. Yung unang store, ang aga nagsara. Yung pangalawa naman, out of stock. I have no choice. I only have one in my mind....Sana bukas pa ang clinic ni Dok.
Few minutes away, nakarating na ako sa tapat ng clinic niya. May sign pa naman na 'Open'. Buti umabot. Kumatok muna ako sa glass door nila pero parang wala pa atang tao. Sinubukan ko ulit at sa wakas ay may lumabas na tao. Pinagbuksan niya ako.
"Good afternoon." bati ko. And then I noticed Doc. Dennise looking at me with her upset face.
"Good afternoon din po. Anong maitutulong namin sa inyo?" tanong ng kasama niyang vet din. Hindi ko matandaan ang pangalan niya, e.
"I'm looking for dog food right now. Mga sarado na napuntahan kong stores kaya nagtry ako dito. Baka meron?"
"Of course. Vet clinic 'to, eh. Malamang meron. For Bebu ba?"
Suplada talaga naman!
"Para sa akin sana." biro ko pero parang seryoso siya kaya nag-peace sign ako."Oo. I'll buy now. May flight pa kasi ako ngayon eh."
"Sophie you assist him," utos ng kasama niya. Sumunod nalang ako.
After kong bumili ay magpapaalam na sana ako pero biglang tinawag nung Sophie ang atensyon ko. "Sir, ingat po kayo sa flight niyo ngayon."
"Uy, thank you. Laking tulong niyan..." sabi ko.
"Ako din, sir. Ingat po kayo! Have a safe flight." sabi ni Doc. Lovelle. Oo, natatandaan ko na. ang pangalan niya.
"Sige, mauuna na ko. Salamat."
After I left her clinic, I went straight to open my car. and then suddenly turned around because I heard my name being called. I turned around only to see Doc. Dennise in her white coat slightly smiling at me.
"Ingat ka pala."
I feel my cheeks heat up at what he said. It's just a simple word but the meaning is very important to me.
"Thank you. Uuuy! Concern!"
She laughed, "You are crazy. I just want you to be safe so that you can return safely to Bebu."
---