EUDAIMONIA-16

195 18 18
                                    


ANTON

Alas kwatro na ng hapon at nandito lang naman kaming tatlo nila Frank at Aries sa tapat ng clinic ni Doktora Dennise. Si Aries ang naka-isip ng kalokohang ito para naman daw maging exciting at thrilling ang buhay ni Joaquin. Kinakabahan nga ako sa gagawin ng dalawang asungot.





Biruin mo naman kasi, yayayain nila si Doktora na umattend ng mini party ni Joaquin bukas. Kahit sinabi na sa amin ni Joaquin na ayaw niya ng party, siyempre 'di kami papayag na huwag mag-celebrate lalo na ngayon na may natitipuhan na siya. Aba hindi niya kami naging kaibigan para sa wala ano kaya may surprise party pa rin siya!







Lumabas na kami ng sasakyan matapos ang 30 minutes na pakikipagtitigan kung may lalabas bang Dennise sa pintuan ng clinic niya. Kaso wala e! Maiihi na kami at lahat sa salawal, wa epek pa rin. Si Aries ang unang lumabas, sumunod ako at panghuli si Frank.




"O Aries pasimuno ka. Ikaw na ang pumasok." ani Frank habang nakahalukipkip.





"Anong ako? Ikaw ang pinakamatanda sa ating tatlo. Ikaw ang dapat mauna." sagot naman ni Aries sabay bahagyang tulak kay Frank.





"Ayoko nga! Anton, sige na pumasok ka na. Kamo naghihingalo ang aso mo. Dali!" tapik sa akin ni Aries kaya tiningnan ko siya ng masama.






"Sinong aso? Wala naman tayong dalang aso!" asik ko at akmang babatukan si Aries kaya natawa si Frank. Huminga muna kami ng malalim at nagtinginan s bago nag-step forward ng isang hakbang. Ganyan kami kakabado. E wala naman kasi kaming alam kung papayag ba 'tong si Dennise sa pasurprise namin e.








And then, we finally opened then door welcoming us with a lady in her 30's I think? Siya ata ang naga-accomodate sa mga clients and patients.



"Hello po. How may I help you?" bungad na tanong niya. I feel Frank's fingers pinched me by the waist secretly, bilang ganti pasimple kong hinampas ang kamay niya.






"Uhm...is Doc. Dennise Reyes here?" agad na tanong ni Aries. Yung babae naman biglang nag-abot ang mga kilay. Halatang nagtaka sa pagtanong ni Aries.




"Ah. Mga manliligaw kayo sir?" tanong nito. The three of us instantly shook our head and awkwardly smiled. "Kala ko po mga manliligaw kayo ni Dok, e. Kasi kung manliligaw kayo naku huwag niyo na po i-try. May nauna na! Piloto pa! Sige saglit lang po tawagin ko lang po si Dok."




Impit akong natawa dahil alam naman namin kung sino ang tinutukoy niya. Matapos niyang umalis para tawagin si Dennise ay umupo muna kaming tatlo.






"Akala ko ba getting to know muna 'yang alaga niyo? Bakit nanliligaw agad?" bulong ni Frank.




"Malay ko. Di naman na nagkukwento yang si Joaquin simula nung sinabi niyang umamin siya sa mall." -Aries.






"Oh, what are you guys doing here?"


Sabay sabay tumaas ang ulo namin nang marinig ang boses ni Dennise. Naka-PPE pa siya so tingin namin may sinurgery siya. Tumayo kami nakipag-hand shake sa kaniya.



"Ay busy ka, Dok?" si Frank.






"Kanina. Kakatapos ko lang operahan yung isang dog na client ko, e." sagot ni Dennise habang tinatanggal ang kaniyang gloves ar surgical head cap.






"So ngayon 'di ka na busy?" singit ni Aries. Ang sarap dagukan. Mga walang sense na tanong na lang palagi ang lumalabas sa bibig niya. Paano kaya natitiis 'to ni Deb?




EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon