CAPTAIN
Pakiramdam ko celebrity ako nang tuluyan kong itapak ang aking mga paa sa NAIA. Eh paano, sinalubong ako ng mga siraulo kong kaibigan. Namiss daw nila kami ni Frank kahit dalawang araw lang kami nawala. Sus, eh sino ba naman kasing 'di makakamiss sa presensiya ko? Any ways, magkakaroon ng meeting ang mga Pilots and Cabin crews mamaya. Wala pa naman akong ideya tungkol dun dahil nga kakabalik ko lang.
"Pare, nagkita kayo ni Ynelski sa Chicago pala! Kamusta naman daw siya?" agad na tanong sa akin ni Aries. Not mentioning na siniko pa niya ako.
"Okay naman siya. Pinursue niya talaga ang pagiging Surgeon. Kinakamusta nga kayo sa akin," banggit ko sabay tanggal ng aking shades.
"Anong sabi mo?" sabay na tanong ni Anton at Aries sa akin.
"Sabi ko mga babaero pa rin kayo,"
With that, I felt playful punches in my chest. Anton, even hit me on the head. They know Ynel and they have been close to her ever since we were still in college so that's how they reacted. Si Ynel kasi ang nagiging tulay sa mga babaeng gusto namin noon.
"Napakakapal ng kalyo mo sa mukha, ano?" giit ni Aries.
"Pa-good shot at plastik ka talaga, Saavedra! Kaya hindi ka nagustuhan noon dati, e." I acted like as if I'm going to punch him that's why Anton exagerately avoids. I have never flirted with Ynel and I have no plans. These mosquitoes are really just making up stories. That's why even if they are not true, you will just automatically feel annoyed.
"Huwag niyo na nga inaasar yang manok ko sa iba. Faithful 'yan sa beterinarya niya!" asik ni Frank. Hindi na ako kumibo pa dahil magpapatuloy na naman ang asaran. I excused my self and already said goodbye to them first because I'm going to see the future mother of my children. I have decided to drop by to her clinic dahil hapon pa naman ang napag-usapang meeting.
_____
Nasa tapat na ako ng clinic niya. Pinark ko muna ang sasakyan ko sa tamang parking dahilbaka magalit na naman siya sa akin bago ako tuluyang dumiretso sa clinic niya. I knocked first and then Lovelle was the one to open the door greeting me a good noon.
"Si Doktora?" tanong ko, pasimpleng tumitingin sa paligid ng clinic niya. No shadows of Dennise were found. Nagtataka tuloy ako. Usually naman ay nakikita ko agad ang pigura niya malayo pa lang.
"Ah si Dok Grasya? Hindi pumasok ngayon, Capt, eh. Hindi naman sinabi ang rason." paliwanag ni Lovelle. Nagtinginan pa sila sa isa't isa. Weirdo talaga ang babaeng 'yun. Noong nakaraan pa siya hindi nagrereply sa mga messages ko.
"Ganun ba?" Bahagya akong nalungkot dahil wala siya ngayon sa clinic niya. May isang bagong kasama si Lovelle at Sophie, siguro iyon ang substitute muna niya. "Alam mo ang address niya?" tanong ko sa kaniya.
"Oo. Eh kaso baka magalit sa akin kapag binigay ko," sabi ni Lovelle habang kinakamot niya ang kaniyang batok.
"Hindi naman siguro? Gusto ko lang siya kamustahin," paliwanag ko pa. Sino ba naman ang hindi maga-alala? Ni hindi man lang sinabi ang rason sa mga kaibigan niya.