CAPTAIN
These past few weeks, naninibago—or should I say naweweirduhan ako kay Dennise. Paminsan minsan, umiinit nalang ang ulo niya bigla. Maninigaw tapos ay mag sosorry after. Sinusubukan ko naman siyang intindihin pero para talagang iba.
"Mahal!"
Kumaripas agad ako ng takbo nang marinig ko ang sigaw niya mula sa kwarto. Pakiramdam niya daw ay pagod siya kaya nag-file muna ng leave of absence si Dennise. Hindi naman siya nilalagnat o kaya ay may malalang sakit na dapat kong ikabahala. Ewan ko ba.
"Yes?" sabi ko sabay silip mula sa pintuan. Ngumiti siya sa akin, makailang segundo ay tumaas naman ang kaliwang kilay niya. O, eto na naman. Alarming.
"Aalis ka?" masungit na tanong niya sakin before signaling me to come towards her. Sumiksik naman siya sa gilid ko sabay yakap ng mahigpit. Ang weird niya 'di ba?
"Uh, well, I'm going to the grocery. I'll buy some stocks. Why? Do you need anything?"
Dennise shakes her head and snuggles with me more, "Ugh. Bakit ganyan ang perfume mo naman? Stinky! Go, change your shirt. Ang baho, baho!" then pushes me away.
Ako naman, napahawak ako sa sentido ko sabay tingin sa kaniya, "Dennise, ano ka ba? Favorite scent mo nga ito! Ayaw na ayaw mo nga ako magpalit ng perfume kasi gusto mo ito sinisinghot mo."
"Joaquin naman....just change nalang please?" That's my wife, using her charms on mine na lagi naman effective. I breath heavily as I went to the closet and find another white shirt.
"Okay na ba? I changed my shirt already. Now, I have to get going. Hapon na, I need to buy our stocks." sabi ko at aakmang tumalikod pero bigla siyang nagsalita.
"Okay? So, ganon nalang? Iiwan mo ako mag-isa? Ni hindi mo man lang ba ako yayayain? Ayaw mo ba akong kasama?"
Pagharap ko ay nakapameywang na siya sa akin. Nagpipigil akong huwag mag-iba ang tono ng pananalita ko sa kaniya dahil baka mauwi lang 'to sa away kaya nilapitan ko siya ulit.
"What? What are you talking about na iiwan kita? Aalis lang ako to buy groceries. Nandiyan naman si Ate Janet. Si Bebu at Bum din—"
"O, sige. Pero really, Saavedra? Wala man lang kiss o kaya yakap bago umalis? Galit ka ba sa akin?!"
Hindi na ako sumagot sa kaniya. Bagkus ay hinila ko siya para halikan at yakapin pero umiwas siya tapos bumalik sa kama. Saan ba pwedeng bumili ng pasensiya?
"Ano pa tinatayo tayo mo? Umalis ka na. Nagmamadali ka, e."
"Bakit ba nagagalit ka? May dalaw ka na naman ba? Ibili nalang kita ng—"
"Shut up. Just go, you annoying human being."
??????
Bumuga ako ng hangin bago ko ulit siya lapitan to kiss her forehead. Akala ko titingin siya sa akin pero fail. Bakit ba ang gulo ng isip ng mga babae? Ang alam ko, monthly lang sila may dalaw pero hindi every day. Ang lala a!