DOCTOR
Fourth day ko na dito sa Quezon. Three days nalang uuwi na naman ako sa maingay at mapolusyong siyudad ng Manila. Ngayon, wala naman akong masyadong ginagawa. Nakatambay na naman ako dito sa cottage ko habang pinapanood ang mga bisita.
Kahit papaano may signal ng telepono dito kaya pwede pa rin namang makapag-upload ng pictures sa instagram ang mga guests kung gusto nila.
And I'm just wearing a a faded blue off-shoulder crop top and plain white sarong partnering my sunglasses. Gusto ko nga sanang magpa-tan ng skin kaso nga lang nag-aalangan rin ako ng bahagya.
Natigil ang pagmu-muni muni ko when I heard my phone buzzed. Kinuha ko ito sa tabi ko tapos ay binuksan.
Joaquin Saavedra sent you a friend request.
My brows met upon seeing his name on my friend requests. Tinitigan ko yung profile niya. Nacucurious ako kaya tinap ko na rin...
Makalat?
My lips quivered and shook my head multiple times after reading his bio. Really? Baliw ba talaga siya? Paano niya nalaman ang facebook account ko? Guapo siya kung tutuusin pero hindi ko gusto ang ginagawa niya.
"Hello, Ma'am Dennise!" I instantly turned around because I heard someone called my name. It was him. Joaquin is waving his hand to me. I have no choice but to smile awkwardly to him. Dang, he's really crazy.
Island hopping ata ang ganap nila ngayong tanghali. May mga staffs naman akong maga-aalalay sa kanila habang nagho-hopping sila kaya hindi na naman na ako mag-aalala.
"Ma'am, confirm mo na raw siya sa facebook!" si Frank ata ito. Oo, siya nga. Yung machete. Naghagikgikan naman yung mga asawa nila. Pati wives supportive sa kabaliwan nitong mga asawa nila?
Hindi ko na sila pinansin at nagtungo na sa lobby ng resort. Friendship goals talaga silang apat ano? Grabe, they are so unbelievable. Who's in the right state of mind will add a stranger like me to their facebook account? Panigurado, siya lang.
"Hello, ma'am! Sexy niyo talaga." bati ni Cynthia pagkabalik ko mula sa cottage. I removed my sunglasses and put my phone back to my bag.
"Huwag mo nga akong binobola, Cynthia." natatawang sagot ko sa kaniya.
"Inadd na niya kayo, ma'am?"
My forehead furrowed and take a look at Cynthia, "Nino?"
"Si Pogi. Yung pilot!"