"Flight attendants, prepare for landing please."
"Cabin crew, please take your seats for landing."
Just a few of those words you will always hear when boarding a plane. For 7 years, flying an aircraft was not new to me. Yep, you read right. I'm a pilot. Ever since I was a child, pinangarap ko naman na ito. Nakakagalak lang ng puso dahil naabot ko ang goal kong maging isang piloto.
And I had a long flight yesterday. Ngayong tanghali lang ako nakabalik dahil from Manila to Canada and back to Manila ang ganap ko. Nakakapagod. Gusto ko lang mag-unwind ngayon.
"Capt! Pauwi na kayo?" Si Aries. Isa siya sa mga close friends ko sa Airlines. Ka-batchmate ko rin siya noon at masasabi kong...babaero siya. Dati. Pero ngayon, kasal na sila nung asawa niya, 15 years na nga eh.
"Yes. Bakit?" Lumapit siya sa akin tapos ako tinanggal ko ang aking shades.
"Beach tayo this weekend! Kasama sila Frank at Anton."
Nabuhayan naman ako ng konti sa narinig ko. Dati ko pa kasi balak mag-beach, pero laging wrong timing. Kadalasan may flight ako sa tuwing nagpaplano ako. Pero ngayon, eto na talaga.
"Talaga? Sige, count me in. Saan ba 'yan?"
"Quezon," sagot niya.
Tumango ako as a response sabay nagpaalam na para umalis.
I am Captain. Joaquin Saavedra. 7 years na akong piloto at kung sasabihin sa inyo, hindi madali ang trabaho ko. Kahit naman well-trained ang isang katulad ko, hindi pa ring maiiwasang magkaroon ng kaba sa puso sa tuwing uupo sa harapan ng sandamakmak na makina para paliparin ang eroplano. Dahil bukod sa ako ang in-charge, hawak ko rin ang daan daang buhay ng mga pasahero. Isang maling galaw ko lang, maaring may mangyaring difficulties. At iyon ang kinatatakutan ko.
-----
"Just like us, dogs need rest and fluids. Make sure na Chubi has a quiet and comfortable place para mabilis siyang maka-recover sa kaniyang dog flu. Kailangan rin ng maraming maraming tubig para sa kaniya. Makakatulong iyon para mawala ang cough, ha. I'll prescribe antibiotics na rin to Chubi if ever may bacterial infections na mangyari habang mayroong flu pa siya." paliwanag ko sa huling dog patient ko ngayong araw.
Tumango naman ang may ari ng aso pagkatapos ko ibigay ang reseta ko sa kaniya.
"Yes po, noted Doc. Thank you po."
"Sige," I smiled. "See you next next Saturday, Cutie Chubi! Magpagaling ka na ha, para hindi mo na ako ulit makikita." biro ko pa habang hinihimas ang mabalahibo niyang katawan.
Haaay. Ever since I was a child, malapit na talaga ang puso ko sa mga hayop. Ewan ko ba, maybe because they understand you more than humans do. Tsaka hindi ka nila iiwan through ups and downs. Kung tutuusin, mas gugustuhin ko pang sila ang kaibigan ko kumpara sa tao.
At may sarili akong veterinary clinic, ang problema nga lang...dito pa sa Manila. Mas okay na sana kung sa Quezon ako nagpatayo ng clinic dahil malapit sa Resort ko, kaso wala akong nahanap na space para magtayo. Sa Manila lang talaga.
Kinuha ko ang telepono ko. Tatawag ako sa Resort kasi matagal tagal na ring hindi ako nakakadalaw doon. Hindi ko na alam ang mga nangyayaring kababalaghan.
"Hello, mam?"
"Cynthia, kamusta naman ang lagay diyan?"
"Naku, okay naman po ang lagay dito mam. Puno na po yung mga reservations, may humabol pa nga pong group ng pilots kanina!" aniya na parang kinikilig pa. Kung kaharap ko 'to si Cynthia, baka hinila ko ang buhok nito sa kaharutan.
Ay, sosyal. Mga piloto.
Anyway, family resort talaga ang resort na yun. Pero wala naman na ang mga magulang ko kaya sa akin na nila ipinamana. Wala talaga akong alam sa pagpapatakbo ng isang katulad nito dahil nga Doktor ako ng mga hayop at hindi Entrepreneur. But eventually, natututunan ko naman na kahit papaano with the help of my friends.
"Uuwi ako diyan this Friday, I'll stay there muna. Hindi ako magbubukas ng clinic, e." sabi ko habang tinataktak ang bolpen na hawak ko sa ibabaw ng aking lamesa.
Stressful sa siyudad. Kailangan kong huminga sa ingay, pulusyon, at problema ng Maynila. In short, kailangan ko ang preskong simoy ng hangin sa Quezon!!!
Sa wakas, short and peaceful break muna!!!
----