EUDAMONIA-8

224 15 10
                                    

DOCTOR

Kakarating ko lang ngayon dito sa bahay. 'Di naman ako ganun kapagod, natulog lang naman kasi ako buong byahe.Eksaktong alas-nuebe ako ng umaga nakauwi ng Manila so that means, pwede pa akong mag-open ng clinic. Maliligo lang ako saglit para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.






At kung nagtataka kayo, wala akong kasama sa bahay. Mag-isa. Alone and I hear the ticking of the clock, I'm lying here the roo's  pitch dark.  Joke! May cleaning lady naman kasi na pupumunta dito every weekends para maglinis kung sakaling wala ako... Corazon ka ghorl?)  Pero most of the time, ako ang gumagawa ng chores. E paano naman kasi, mag-isa mga lang ako.






Two years ago nang tuluyang mamayapa ang Papa sa katandaan....makalipas naman ang isang taon, si Mama ang sumunod. Sa totoo lang, hindi pa ako ganun kasanay na walang mga magulang sa tabi ko. Most especially, hindi ako sanay na walang nanay. My mom has always been there to support me, she never leave my side even at my worst.






Ganun din naman si Papa, ang kaso strikto at perfectionist. Kaya nakakatakot magkamali sa harapan niya. Pakiramdam mo lalamunin ka niya sa tuwing magtatapat ka ng mali mong nagawa. But because of that, nadisiplina ako. At tsaka, nagi-isang anak lang ako kaya sa akin ang atensyon nila.



Phone ringing...


"Hello?"


"Hello, doc! Open tayo today?"  asks my fellow vet,  Lovelle.

"Hi, Doc. Yes, oopen tayo today. I'll be there by 10. Hehe, kakarating ko lang from Quezon eh."


"Sure, sure. Sige mauna na ako. Pinabukas ko na kay Sophie ang clinic...thanks, doc. See you and ingat!"


"Okay, thanks." And I ended the call.



I quickly took my body towel and went straight inside my bathroom. Monday grind!!! Kaloka!!!






————


CAPTAIN


I enjoyed that one week beach vacation kahit pa saling ketket ako. Dahil bukod sa natuto ako mangisda, eh doon ko  lang pala mahahagilap ang mapapangasawa ko.





O, wag seryoso...nagbibiro lang ako.






Sayang, wala na akong idea kung kailan kami ulit magkikita ng future wife ko dahil ang tanging pinanghahawakan ko lang sa ngayon ay ang facebook niya. Nananalig naman ako na sasagutin ng Panginoon ang panalangin ko. Ngunit kung hindi siya para sa akin, eh 'di...hindi pwede. Dapat para sa akin siya.




"Capt. Saavedra." I instantly turned my head when I heard Captain. Aguilar's voice. He's our senior captain here in the airlines, slmost 3 decades na siyang nagpapalipad ng eroplano at hanga ako sa kaniya  Sadly, isang taon nalang at retirement period na ni Captain. 64 years old na kasi siya at required ang mga piloto na mag-retire nung sakaling umabot sila sa ganoong edad.




"Yes, sir?"



"You have a direct flight tomorrow. Manila to New York ha, F.O Anton will be your co-pilot." he told me then taps my shoulder. I smiled as a reply. Naku, mahaba habang byahe ito. Mahigit 16 hours and 15 mins!





"Noted po. Thank you, sir."



'Pagkaalis ni Capt. Aguilar ay tinawagan ko na si Anton para ipaalam ang magiging ganap namin kinabukasan.


"Miss mo ko agad?"


I let out a deep sarcastic sigh after hearing Anton.


"We have a direct flight tomorrow. Manila to New York. Kakasabi lang ni Capt. Aguilar." I told him, lazily. Rinig ko pa ang pag-nguya niya sa kabilang linya. Bastos talaga ugali nito



"Ikaw kasama ko? Bakit ikaw? Ayaw kita kasama!"





"At sa tingin mo gusto ko? Siyempre hindi! Kaya kahit ayoko, wala naman akong magagawa...nakakasawa na kaya ang pagmumukha mo!"





Natawa siya, "Pikunin naman nito. Nagbibiro lang, e! Sige na. Baba mo na itong call, bago pa ko mabwisit sa'yo!"




Pagkababa ko ng tawag ay dumiretso na ako sa parking para kunin ang sasakyan ko. Nagreport lang naman ako na nakabalik na ako from vacation kaya pumunta ako sa airlines ngayon.






————




I was welcome by Bebu at the gate of my house. Bebu's wiggling her tail so I carried her papasok sa bahay. I kissed her first and scratch its back.



"Missed you, Bebu." I said and caressed her.




"Ser, namiss ho talaga kayo niyang alaga niyo. Buti nga ho e may voice record kayo sa kaniya bago umalis. Ayun ang pineplay ko para hindi siya maging matamlay...nakakaawa ko kasi tingnan." said Janet. Si Janet ang kasambahay ko for 12 years already. Mapagkakatiwalaan yan at talagang masipag.





"Ganun ba? Naku, kawawa naman ang anak ko!"






Bebu keeps on licking my face. I can't help but to laugh because it's tickling me. This dog became my happy pill and energizer, para ko na talaga siyang anak.



"I'll leave you here muna. Magbibihis lang si Tatay. You eat first your food, and we will play after. Okay?"







She barked.




"Very good! I'll be back, wait for Dad!"






Pagpasok ko sa kwarto ko ay nilapag ko sa kama ang mga gamit ko at kinuha sa closet ang white shirt ko at jogger pants. Pambahay lang. Mamaya na lang ako magreready para sa flight bukas.








Napatingin naman ako sa cellphone ko na nakalapag sa kama dahil sunod sunod ang pag-vibrate at pag-ilaw nito. So many notifcations?





Because of my curiousity, I picked it up and opened it only to see our Barkadahan's group chat filled with messages.




Pia: Dennise confirmed me na on facebook

Deb: Kami rin ni Aries.

Frank: Ako din. Pero si Jill di pa niya ata na-add si Dennise

Anton: Bwahahaha!!! Kacoconfirm lang rin sa akin, love @Pia ang galing ah!


Jill: I will add her nalang as soon as I get home hehe

Aries: Si Joaquin ba naconfirm na?  Kawawa naman 'yon!





Laking gulat ko dahil sabay sabay silang nag-chat na cinonfirm na sila ni Dennise sa facebook. Kaya dali dali ko rin chineck  ang facebook ko para tingnan kung pati ako ay naconfirm na












Punyeta, requested pa rin!!!


















—————





EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon