Hello po.
Gusto ko lang sana ipaalam sa inyo na hindi ko na po itutuloy ang istoryang ito due to some personal issues. Medyo nagiging busy na po ako at hindi ko na nabibigyan ng oras ang pagsusulat. Kaya mas minabuti ko na lang pong huwag na ituloy. Pasensiya na po at Salamat sa lahat ng mga nagbabasa sa Eudaimonia at Hiraeth.
With love,
hotdognaredCHAROT!
Sorry sa ilang days na wala pong update. Hehe!
---
CAPTAIN
Birthday week ko na. Eh ano naman ngayon? Ever since naman hindi ko gustong pinagdiriwang ang kaarawan ko dahil magastos. Mas okay pa ako na manood nalang ng TV kasama ang aso ko o 'di kaya imbitahan ang mga closest friends ko. Iilan lang naman sila, siguro mga sampu lang.
Balak ko nga ay gumala lang kasama si Bebu sa mall tutal hindi naman ako tinatawag ng trabaho. Unwind unwind kapag may time so pinaliguan ko muna si Bebu bago ako maligo. Medyo malayo ang mall mula sa bahay kaya dapat mabango ako. Yung pogi kasi, given na sa akin.
Pagkatapos ko maligo, dumiretso na kami ni Bebu sa sasakyan. Binuksan ko ang bluetooth speaker tapos ay nakipag-jam sa aso kong mabait habang tumutugtog ang Sumayaw Sumunod. The nostalgia it brings. I feel so old...pero groovy pa rin naman kasi sa tuwing mapapakinggan.
Matapos ang twenty five minutes of driving nandito na kami sa mall. I just brought my shades, my wallet, and Bebu with me as I headed off inside. Wala gaanong tao dito, anong oras pa lang naman nang makarating kami.
12:15 pm
Karaniwan hapon o 'di kaya gabi nagdadagsaan ang mga tao rito. Mostly students pa, katabi ng school ang mall eh. Lakad lakad lang kami ni Bebu dito. Kung saan siya lumakad, susundan ko nalang.
I was alarmed when Bebu started barking and running. Buti nalang mala-UP Town ang style ng mall dahil hindi naman kami totally nasa loob. Sinubukan kong hilain ang tali niya pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo hanggang tumigil siya dahilan para umupo ako sa harapan niya at pagsabihan.
"Bebu?"
My head instantly looked up upon realizing who owns that sweet voice. It's her. She's staring at both of us while she's holding a coffee on her hand.
"Uy! Doc! Bakit nandito ka?!" tumayo ako agad para harapin siya. Mukha naman siyang namamasyal din. Tattered denim jeans ang suot at black band ng U2 tapos yung buhok niya naka-messy bun. Bagay sa kaniya.
"E ikaw bakit nandito ka?"
"Namamasyal lang. May kasama ka ba?"