EUDAIMONIA-6

254 11 17
                                    




CAPTAIN

Last day na. Ibig sabihin, last day ko na rin masisilayan si Crush. To be honest, among all those women I've dated before...parang siya ang mahihirapan akong kunin. You know, kilala ako sa batch namin dati na habulin ng babae kasi sino ba naman hindi mabibighani sa itsura ko? Ako ang numero unong pinakaguwapo sa batch ko noon kung 'di niyo maitatanong. Sumunod nalang sina Aries, Anton, at Frank.



And it seems like the tables have turned...bakit parang ako ngayon ang nagpapapansin?


Karma?



Alam kong mabilis, pero first time ko rin maka-encounter ng crush at first sight sa tanang buhay ko. Bakit? Kasalanan ko ba kung natipuhan ko agad si Doc? E sa maganda siya at tsaka mukhang mabait! Sarap din niyang asarin kasi pikunin.






Anyway, we are gathered at the lobby for our last water activity. Magka-kayak kami ngayon. Nakaupo lang kami habang sina Pia, Jill, at Deb ang kumakausap sa staffs.


"Ganda talaga ng asawa ko." rinig kong bulong ni Aries out of nowhere.




"Ako rin. After all these years, Jill still has her curves. Ang sexy pa rin." si Frank naman.


"Same goes to my wife. Ang swerte ko lang." singit naman ni Anton.





Langya talaga ang mga 'to. Ganyan ba talaga sila mainlab? Masyado na silang baduy. Dati hindi naman sila ganyan, dala-dalawa pa nga babae nila noong nasa  college kami. Pero nakakagulat lang dahil si Jill, Pia, at Deb ang nakapagpabago sa kanila. True love na nila 'yan. Pero hindi ako inggit...mas gwapo ako sa kanila.




Sabay sabay kaming tumayo nang makitang papalapit na yung mga babae sa gawi namin.




"Boys, we have a problem. Seven lang tayo, and dalawang tao lang per boat ang available," Jill looks at me first, "Ibig sabihin, si Joaquin ang walang kasama sa isang boat. Hindi naman pupuwedeng ganun."  says Jill. Worry is evident on her face.



Ayon, saling pusa na naman ang ganap ko.




"And for sure, hindi papayag yan si Joaquin na hindi siya sasama." -Pia



"Hindi talaga," asik ko tapos ay humalukipkip. "Ginawa niyo na nga akong 7th wheel sa inyo tapos last day na natin at lahat, latak pa rin ako? Aba! Hindi pwede yan!" 



Paglingon ko sa gawi ng mga kaibigan ko, mga humahagikgik. Halatang ayaw talaga akong pasamahin. Nakakabadtrip! Maling mali talaga ang desisyon ko!




"E paano 'yan? Wala kang kasama sa iisang boat. Mahal pa ibabayad mo..." It was Deb.






I let out a deep sigh and sat down. Okay, defeated. Sige, sila nalang mag-kayak. Hihintayin ko nalang sila hanggang matapos, kesa naman magmukha akong tanga na mag-isang nagkakayak.

"Sige, hindi na ako sasama." sabi ko. 




Pinalibutan naman ako nung tatlo kong kaibigan na para bang may ginawa akong kasalanan sa itsura nila ngayon.  Pabalik balik ang tingin ko sa kanilang tatlo dahil hindi sila tumitinag sa mga pwesto nila.



"Ano pang kalokhan niyo? Umalis na kayo sa harapan ko. Mag-kayak na kayo." inis na sabi ko.



"Joaquin pare! Siyempre, hindi kami papayag na maiwan ka sa laylayan!" -Frank.




"Sumama ka na kahit ikaw lang mag-isa." -Anton habang naka crossed arms sa akin.



"Sige na! Tumayo ka na diyan, sagot na namin kayak mo!"


Nabuhayan naman ang lamang lupa ko sa narinig ko. Minsan may benefits din talaga kapag isa kang saling pusa sa group of friends mong may mga karelasyon. Saya!

"O sige. Tara na." nagmamadali kong turan tsaka sinuot ang life vest.




"Mukha talagang libre." bulong pa ni Anton after playfully punching my stomach.



Pababa na sana kami para para tuluyang makarating sa beach when we heard a familiar voice.

"Good morning. Kamusta dito?"




We all turned our attention to that voice. It's Dennise. Napa-aray naman ako kasi sunod sunod na kurot ang natanggap ko mula sa mga kaibigan ko.



"Good Morning, Ma'am Dennise!" bati ni Aries. Kumaway pa talaga ang kumag. I saw her smiled at him.


"Alam ko na!" Bumalik ang atensyon namin kay Frank na suot ang nakakaloko niyang ngiti.


"Ano?" sabay sabay na reply ng girls sa kaniya.


"Ma'am Dennise," tawag ni Frank. "Pwede niyo ba samahan mag-kayak kaibigan namin? Siya lang walang partner e!"



Gago!


"Uy, hindi! Huwag ka maniwala diyan!" giit ko habang pinipigilang pagsalitain si Frank.


"Ma'am Dennise, pumayag ka na!" gatong pa ni Anton.

Alam ko namang hindi papayag yan dahil bukod sa ayaw niya, e mahirap nga siya pakiusapan. Kahit naman crush ko siya, hindi ko siya pipilitin 'no.

Si Anton lumapit na nang tuluyan sa kaniya. Nagtataka nga ako at bakit parang okay lang kay Pia na makipag-usap si Anton sa ibang babae. Siguro ganyan talaga 'pag mature?


"Gago! Huwag niyo na abalahin si Dennise! Nakakahiya kayo." I said with gritted teeth.  Frank just smiled at me.


"Sus, pero sa loob loob mo....gusto mo rin."

I clicked my tounge, "Pare, seryoso ako. Ayokong nang-aabala ng tao. And isa pa, busy yan. Kakahiya!"


Frank was about to answer but we already saw Dennise walking towards us wearing her life vest and a paddle. What the heck.



"Sasama siya!" sigaw ni Anton.





HALA!









———




Aga Muhlach as Aries Hudson
Richard Gomez as Frank San Juan
Ian Veneracion as Anton De Vega

Lea Salonga as Deb Hudson
Dawn Zulueta as Jill San Juan
Alice Dixson as Pia De Vega

EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon