EUDAIMONIA-17

202 20 37
                                    


DOC


Mamayang gabi isasagawa ang plano sa bahay ni Joaquin...yun ang sabi. Buti nga weekend tumapat ang araw ng birthday niya kaya hindi ganun ka-hectic ang schedule ko. Tsaka isa pa, nag-send na rin si  Pia ng address kung saan ako didiretso. Matandain naman ako sa lugar so sure akong hindi ako maliligaw.




Sa ngayon, ang kasama ko lang dito sa bahay ay si Manang Cely. Well, I have no idea what to wear because they didn't even tell me kung ano ang theme ng surprise party ni Joaquin. Basta daw makapunta ako ayos na sa kanila.



And for once, I really like their friendship. That's a solid one. Mahirap makakita ng ganyang mga kaibigan ha. Yung susuportahan ka sa lahat but won't tolerate you sa mga wrong doings mo.


"Saan ang punta mo, hija?" I immediately turn around upon seeing Manang resting her head on the door.





"Sa birthday po." I answered and then continued finding the right outfit for me.



"Naks. Marunong ka na makipag-kapwa tao. Sa susunod niyan, magkaka-boyfriend ka na." Manang laughs. Sa tanang buhay ko, I never like socializing. In fact, I have a few friends. But then I realize that it's okay to have new ones pala, kasi you get to appreciate people more.  Just like the group of pilots and their wives.







"Naku manang. Huwag ka sanang magdilang anghel. Siguro, mga isang taon pa. Tapos after nun sige payag na ako." I told her. A smile formed on my lips when I saw the perfect dress I was looking for. I haven't worn it in a long time, it was just a gift from my mother when she was still alive. An olive puff sheath dress.









"Tagal ko nang hindi nakikita 'yan a? Sa pagkakaalam ko, sinusuot mo lang 'yan kapag may espesyal na tao kang pupuntahan? Ibig sabihin ba...."







I immediately cut her off by laughinf and defending myself. "Nay, hindi!"




"Yan ang sabi ng Nanay mo sa'yo noon 'di ba? Susuotin mo lang daw 'yan kapag special na tao ang kikitain mo. Hmmm, ikaw ah!"








Hindi no! Tinatamad lang naman kasi talaga akong bumili sa mall. At sino ba siya para pag-effortan ko pa? Simple birthday lang yun!












———

JOAQUIN




Alas-siete na ng gabi at pauwi pa lang ako galing airport. Mas pinili ko nalang kasi magtrabaho kesa ipagdiwang ang birthday ko. Nagkasuweldo na ako, iwas gastos pa sa mga kaibigan. Ganyan mag-isip ang mga husband material.







Napagod ako magsabi at magreply ng thank you sa mga bumabati sa akin mula kanina pang umaga hanggang ngayong pauwi na ako.  Meron ngang iba na tinatanong kung may pa-chibog ako, ang  sabi ko naman...wala.  Naghahanap sila ng handaan eh hindi nga nila ako binigyan ng regalo. Ano sila hilo? Just kidding.













"Happy Birthday po, Capt!" bati ng isa sa mga security na naka-duty dito sa aming village. Ibinaba ko nang tuluyan ang bintana ng salamin ko.










"Aba, hindi niyo nakalimutan a! Salamat po! " biro ko. Tumawa muna siya bago ko tuluyang imaneho papasok ang sasakyan ko sa village.








EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon