CAPTAIN
"Hoy pare, welcome back!"
"Uyyy nakabalik na pala kayo Manila!"
"Kwento mo naman anong nangyari sa inyo!"
Dire diretso lang akong naglalakad sa pasilyo papunta ng office habang nakasunod sa akin ang tatlong gunggong na kanina pa tanong ng tanoooong. Mas tsismoso at mas matatalak pa sila kumpara sa mga asawa.
"Kelan pa kayo nakabalik?" si Aries.
"Two weeks ago." maikling sagot ko.
Nag-report muna ako na nakabalik at nakapasok na ako ulit bago ko ulit silang nakitang naghihintay sa labas. Mga sumusipol at nakapamulsa pa.
"Ano?!" naiiritang tanong ko nang magsilapitan ulit sila sa akin.
"Ano ka ba?! Siyempre, we are your friends. Wala ka bang kwento diyan? Mga nangyari during your Batanes honeymoon. Yieee!" saad ni Anton sabay siko sa akin.
"Seryoso ba kayo? Talagang ilalahad ko sa pagmumukha ninyo ang mga kaganapan sa amin ng asawa ko? Kayo a! Magtigil-tigil kayo. Isang pindot ko lang sa telepono ko, mag-aaway kayo ng mga asawa ninyo!" pananakot ko kaya umatras sila ng kaunti.
"Daya mo naman e. Ako nga, nagpatawag pa ng boys talk para lang i-kwento ko ang mga happenings sa amin ni Jill nung nag-honeymoon kami. Tapos ikaw," singit ni Frank sabay sandal sa railings.
"Oo nga! Ako rin kaya! Niyaya ko pa kayo sa Katipunan nun sa 'pagkakatanda ko 'di ba? Detailed ko pa kinuwento!" nagyayabang naman na giit ni Anton tsaka bumuga ng hangin.
Pumameywang ako sa kanila tapos ay kinamot ang likurang bahagi ng aking ulo. Ibang klase talaga sila maging kaibigan, iniisip ko tuloy na mga babae silang nagkatawang lalaki.
"Teka nga," huminto ako at tinitigan ko sila mula ulo ang paa, "For your information, kayong tatlo, hindi ko kayo pinilit na ikwento ang mga experiences ninyo sa honeymoon ninyo a. Kusa niyo kaya yun ginawa. Kaya pwede ba? Stop bothering me."
Kita ko pa ang pagbubulungan nila bago ako umalis. Hayaan niyo na, ganyan talaga sila. Pero lahat naman ng mga sikreto ko, safe sa kanila. Sadyang mga ususero lang sila.
———
DOCTOR
"Doktoraaaa! Welcome back!!!" A cheerful greetings and hugs welcomed me as I stepped my feet inside the clinic. Sophie gave me a single stem sunflower which I find so sweet.
"Awwe, thank you girls. I missed you two!"
We didn't talk that much and gave time to thank them kasi during my wedding because there were a lot of guests and Joaquin and I were very exhausted. Only now are the three of us together again.
"You're now married, Grasya. I am so happy for you." Lovelle told me, snaking her arms on mine. I pout my lips and hug her tight.
"Lovelle, thank you so much. I also am waiting for you to get married na. Naunahan pa kita. Kung tutuusin, mas matagal ka na may karelasyon!" I teased her.
"Doc, have you seen my fb posts during your wedding? Ang gaganda ng shots ko. And ang perfect niyo rin ni Capt. Grabe, I wonder what would be the looks of your future children. Yung genes niyo, sobra, wala akong masabi kung 'di...palahi." said Sophie. I laughed contagiously.