DOCTOR
"Inggit much naman, Dok! Ang effort niya ha. Kung ako yun, baka sinagot ko na siya agad agad." komento ni Sophie nang mapagkwentuhan namin ang ginawang pagdalaw ni Joaquin sa bahay.
"Eh kaso umalis din naman siya mga hapon. May meeting ata sila sa work niya." dagdag ko.
"Dagdag points na ba? Caring naman pala e!" singit ni Lovelle habang nagtitimpla siya ng kape niya.
"Medyo."
To tell you honestly, I do appreciate him for being that caring for me. Kahit may pagkaloko-loko ang pagkatao niya ay may natitira pa palang concern na dumadaloy sa katawan ni Joaquin.
Incoming video call
Joaquin Saavedra
Nanlaki ang mata ko dahil sa caller ID na nabasa ko sa aking cellphone. Ano na naman ba ang naisipan nito at tumatawag ng ganito kaaga? Dali dali kong nagpaalam kay Lovelle at Sophie upang tumungo sa lugar kung saan payapa ko siyang makakausap. Sa banyo.
Umalis ako dahil for sure, sari saring kantyaw na naman ang aabutin ko sa mga bruhang 'yun.
'Pagpasok ko sa banyo ay agad kong sinagot ang video call ni Joaquin. Nakangiti siyang bumungad sa akin sa camera habang hawak hawak niya si Bebu.
"Good morning!" bati niya.
"Ang aga aga ha. Bakit ka tumawag nasa trabaho po ako, Sir!" sarkastikong bati ko pabalik sa kaniya. Kumunot naman ang noo ni Joaquin.
"Ano ba 'yan, Doktora? Huwag kang magsusungit sa umaga. Nakakabawas ng ganda yan.." ika niya tapos ay kinalong si Bebu sa kaniyang lap. "Anyways, kahit naman mabawasan ang ganda mo, you are still the most beautiful for me."
I sigh, "Tsk. I've heard that many times already." Tumawa lang siya tsaka kumindat sa camera. Papogi masyado! I mean, pogi na siya okay? Pero huwag namang ggss!
"Teka nga, bakit iba yang background mo? Nasa clinic ka ba talaga?"
Bahagya kong tiningnan ang likuran ko. Oo, puro white tiles. Nakakabwisit. "Nasa clinic ako. Imagine ha, I made an effort to talk to you sa CR!"
"Ba't naman sa CR?!" bulalas niya. Impit akong natawa sa reaksyon ni Joaquin.
"Bakit ba?"
"Tinawag mo pang effort yung kausapin ako sa CR?! Pambihira, parang 'di mo ako mahal ah!"
I squinted my eyes, "What? Assumingero ka. Dito ako pumuwesto kasi aasarin na naman ako ng mga kasama ko kapag nalaman na ikaw ang tumatawag. Nakakarindi sa tainga, alam mo ba 'yun?"
Joaquin rolled his eyes....rolled his eyes?! Inirapan ba ako ng lalaking 'to?!