EUDAIMONIA-4

270 10 12
                                    



CONTINUATION



Nagpaalam kaming tatlo kina Jill, Deb, Pia, at Frank na maglalakad lakad lang muna habang nagsu-swimming pa sila. Hindi ko nga alam bakit parang hindi sila giniginaw e grabeng lamig ng tubig sa dagat ngayong oras na ito.






Nandito na kami sa cottage kung saan nagpapahinga yung Miss. Kita namin siya nakatulala lang sa dagat habang may bluetooth speaker na nasa tabi niya.Para siyang mangkukulam sa itsura niyang 'yan. Dahil kung anong ikinaliwanag ng mga ilaw banda kung saan sila Frank, ay siyang ikinadilim naman ng parteng ito kung saan siya nakapwesto.








"Ayan, ayan. Nagpapatugtog ata siya." wika ni Aries na nasa gilid ko. Nakatalikod kasi siya sa amin kaya alam kong 'di niya kami nakikita.






"Anong gagawin ko?"




"Sasakit nga tiyan mo." agad na sagot ni Anton habang nakapameywang pa. "Tapos kunyari busy kami nag-uusap, 'di ka namin mapapansin."





Ngumiti muna ako bago lumayo ng konti sa kanila para mukha talagang effective. Si Anton at Aries nakasandal sa coconut tree, tsaka nagsimulang mag-usap...







Mga ilang minuto ang lumipas, sinenyasan na ako ni Aries. Ako naman, humawak na sa tiyan ko at napaupo. "Ouch! Aray, aray! Ang sakit ng tiyan ko!" sigaw ko, tama lang para mapansin niya ako.






Tumakbo palapit sa akin ang dalawang kumag. "Hoy, anong nangyayari sa'yo, Pare?!" bigay todong acting ni Anton.





Meanwhile, we noticed her turned her head to us tsaka tumayo para tingnan ako. Nang makalapit na siya sa amin, nagtinginan kaming tatlo kasi nakatitig lang si Miss sa akin. Kaya tinodo ko na rin ang pag-arte ko.




"Ouch, ang sakit talaga ng tiyan ko!!! Araaay!"





Si Anton tumayo tapos kinausap si Miss.




"Miss, may doktor ba kayo rito? Sumasakit daw ang tiyan ng kaibigan ko, e!" -Anton.



"Ay diba doktor ka? Sabi nung asawa ko, doktor ka raw e?" singit ni Aties habang kunyari inaalalayan ako. Si Miss nakatitig lang talaga sa akin.




"Wow, ang galing. Paano kaya nalaman ng misis mo, Sir? Anyway, doktor nga ho ako." sagot nito tapos humalukipkip. Ang ganda niya pala kahit naka worm's eye view ako ngayon.





"O, yun naman pala e! Dok, pakitulungan naman ho ang kaibigan ko! Naku, kawawa naman po ito. Masakit na masakit ang tiyan..." sabi ni Anton, nagpapacute.pa kay Miss.


"Oo, doktor nga ho ako pero-"




"Dok, tulungan niyo na po muna kami. Baka mamaya bigla nalang ho mawalan ng hininga itong kaibigan namin bak-"












"Doktor ho ako ng mga hayop."












We swallowed together when we heard what Miss said. The three of us looked at each other, sa tingin pa lang na iyon naiintindihan na namin ang gusto naming iparating sa isa't-isa. Gusto na naming malusaw. This is the second time that I feel embarrassed by the same person. This is no longer fair!




I cleared my throat first before standing up,"Ano pala, hindi na pala masakit tiyan ko..."



I noticed Anton bit his lips first. Kabado ang gago. Pasimuno silang dalawa, ngayon pati ako tuloy damay. "Ay hindi na raw pala masakit. Nag-magic bigla. Sorry, miss." paumanhin ni Anton sa kaniya.





"Sorry pala, Miss. Kala namin doktor kayo ng tao. Pasensiya na."






She let out a soft chuckle, "Ang cucute ninyo. Kanina ko pa kayo napapansin, eh. Ano ba talagang kailangan niyo?" malumanay na tanong niya sa amin.






"Miss, anong name mo?" I asked confidently. Nakaramdam naman ako ng kurot mula sa likod ko dahil sa aking ginawa.






"Why are you asking?"





"Masama ba?"





"Hindi. Nagtataka lang ako. Hindi naman kasi kita kilala, personally. Kilala ko lang kayo kasi nagpakilala kayo. And you guys already have spouses. I saw you all kaninang dinner."




Nagsikamutan ng ulo yung dalawa. Ang cute naman nitong babaeng ito, straightforward! I like that!



"Ako." sabi ko, "Wala akong asawa."


She looked at me from head to toe as if making sure that what I was saying is true. Hindi naman ako nagpatalo kaya gumanti ako ng tingin.


"Alright." she breathes, "My name is Dennise."



"Dennise?"


"Sinabi ko na pangalan ko, 'di pa nakuntento? Kailangan full name?" sarcastic niyang sagot sa akin.



"Ang damot mo naman, Miss. Tinatanong lang, e."



"Dennise nga."


"Dennise ano nga?"

"Ang kulit!"


I laughed at her reaction. I find her attractive, to be honest. At maganda talaga siya.

"Ma'am! Ma'am! May tawag ho kayo galing Manila." one of the staffs came walking towards us with phone in her hand.

Ma'am?

Dennise took the phone in her hand tapos nagpaalam na sasagutin niya ang tawag tsaka lumakad na palayo.


Ako naman, tinawag ko yung staff na lumapit sa kaniya. "Ah, excuse me!" Lumingon ito. Medyo nabother ako kasi ang daming kumikinang na alahas ang suot niya sa katawan.


"Yesh, shir?"

"Ma'am? Ma'am ang tawag mo sa kaniya?" tanong ko habang tinuturo ang naglalakad palayong si Dennise.



"Ah, opo sir."




"Bakit ma'am?"



"Sir, siya po owner ng resort na 'to."

Tumango ako. May name plate pala siya. Binasa ko 'yun at ang pangalan niya ay Cynthia.

"Okay, Cynthia. May boyfriend 'yan?"

Si Anton at Aries nasa likuran ko lang. Pinapanood akong makipag-usap sa staff ni Dennise. Ibang klase naman pala ito. Doktor na, resort owner pa!


"Ay wala, sir. Bakit? Aapply kayo?"


"Pwede naman."

"Ayieeee! Love at first sight ang peg?!"

"So anong surname niya?" tanong ko.

"Ay sir bawal ko ibigay yung-"




"Type ko siya."



"Dennise Grace Reyes."



Yan pala name mo ha!

-----



EUDAIMONIA (EulBert)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon