OS- Kabanata 7

3.1K 91 8
                                    


" Ayos ka lang ba, tita?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. Today is my 17th birthday. Hindi pa din nakabawi ng lakas si tita Salve sa naging karamdaman. Ang makita siyang pilit na kumikilos para ipagluto ako ay nakakapanlumo.

Hindi ko naman kailangan ng handa o kahit ano. For now, all I want is her life to get longer and be better.

"Ayos lang ako, Gotica." Sabi ni tita. Tipid siyang ngumiti sa akin kahit halatang halata ang pagod sa kanya. Hindi ko pa din maiwasan na hindi mag alala sa kanya. Iba na kasi ang lagay ni tita Salve ngaun kumpara noon. She looks weaker and weaker each day.

Kadalasan nga ay inaako ko na ang mabibigat na gawain bahay kahit ayaw niya. Sinasabi niya na magpahinga ako at mag-aral. But then, hindi ko kayang magpahinga kapag nakikita ko siya na trabaho ng trabaho sa kabila ng panghihina niya.

Bumuntong hininga ako at tumango nalang. Ayaw ko naman tratuhin na imbalido si tita, pakiramdam ko kasi ay lalo lang siyang manghihina kapag tinigil ang mga nakasanayan ng gawain. And besides, hindi naman siya makikinig sa akin.

Mag aalas otso na ng umaga. Tinulungan ko nalang siya ng mga dapat pang gawin. Inimbita ko kasi si Jace at Raffy para dito mag-lunch.

Umupo ako saglit. Kinuha ko ang laptop ko at inopen ang Facebook ko. Natawa pa ako ng makita ang post ni Jace na naka wacky kasama si Raffy habang kumakain kami ng ice cream nung nakaraang araw..

Nag scroll pa ako sa timeline ko hanggang makita ko ang post ni Raj kasama si Astrid sa El Nido.

Kaka-graduate lang din ni Raj ng college last month. I was there. I saw everything and his achievements. He finished his studies and got the girl of his dreams. Hindi ko alam kung ano ang nangyare but suddenly, Astrid changed. Bigtime.

Nandon ako pinapanood siya sa malayo. Pumapalakpak sa malayo. Nandoon ako, pero hindi niya nakita.

Nandon ako para tahimik na sumuporta sa kanya kahit hindi naman niya kailangan na. Nandon ako para kahit papano, nasasaksihan ko how he grow kahit hindi niya ako kasama.

Hindi ko alam kung ilalike ko ba ito o ano. Taste of bitterness rolled over my system, again. Hindi ko maiwasan mainggit kay Astrid. Sa huli, I decided to just turn off everything. Nang papatayin ko na ang laptop ko ay may message na nag appear mula sa messenger.

Rajan Duke Esquivel

Hi, how are you? Happy birthday!

Ilang minuto akong tumunganga sa message niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ko. Parte sa akin ang natutuwa dahil naalala niya ako. But then, a part of me still empty because of him.
He has the power to make me and also the power to break me, effortlessly.

Gotica Dior Gatchalian

Thank you.

Sa huli ay pinili ko nalang magpasalamat sa kanya. Nagsimula ng mag ingay ang messenger ko sa Facebook kaya pinatay ko na tuluyan ito.

Binuksan ko ang Zoom account ko coz' Alice told me that she will call me. Hindi naman ako nagkamali, ilan segundo lang ay tumawag na si Alice.

"Hey!" Bungad niya. Lumabas ang maliit niyang dimples sa magkabilang pisngi niya. Lalong gumanda si Alice. Kita mo ang pagbabago sa kanya physically and how she managed her life being matured. Kumukuha siya ngaun ng psychology sa isang paaralan sa Australia.

Ngumuso ako sa screen at hinawi ang side bangs ko. "Happy birthday! Kamusta nang baby ko?" Mahinhin siyang humagikgik sa screen.

"Dalaga kana ah," she gigled. "Alam mo, baka magbakasyon ako sa Pilipinas this year." She said excitedly.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon