Madaling madali ako maglakad ng mag-park siya sa entrance ng Ibanez building. Hindi pa man niya na-aabot ang susi ng sasakyan niya sa valet ay lumabas na ako sa sasakyan. He even murmured something and chuckled kaya mas lalo ako nairita.
Huminahon lang ako ng makapasok ako sa lobby ng building. The place seems busy kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Huy girl!" Salita ng receptionist na nag-assist sa akin nung unang araw ko pumasok dito. Napatingin ako sa kanya. Humaspas ang maalon niyang buhok dala ng pagtakbo patungo sa akin.
"Hi, bakit?" I asked her. Tinagilid pa niya ang ulo niya sabay marahan akong hinampas sa balikat.
"Ikaw ha! Ganda mo te! Boyfriend mo ba si sir Rajan?" Tanong niya. Halatang halata ang kuryosidad at pang-iintriga sa mukha niya.
Mabilis akong umiling ng paulit ulit sa kanya. Hindi naman ako magtataka kung ganoon man ang naisip niya. Ilan beses naba ako kinaladkad ni Raj sa building na ito.
"Hindi ah!" Mabilis kong sagot. Tumaas ang kilay niya sa akin at mukhang duda pa sa sagot ko.
"Sus! Ikaw ha..pa- showbiz ka!" Ang laki ng ngiti niya pero halata sa kanya na ayaw niya maniwala sa akin.
Mayroon pa sana akong sasabihin ng tawagin siya ng general manager at pagalitan. Mabilis siyang bumalik sa pwesto niya. Nagkatinginan lang kami. Hindi ko alam kung bakit siya nakangisi sa akin.
"Lets go." Halos mapalundag ako ng hapitin ni Raj ang beywang ko at alalayan maglakad. Hindi ako makagalaw. Boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko ng hapitin niya ang beywang ko.
"Ano ginagawa mo?" Tanong ko at nagsimulang maglakad. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa ilang. Kung kanina ay walang pumapansin sa akin ay biglang nasa akin na lahat ng atensyon ng mga tao sa paligid.
Ugh! Talagang ipapahamak ako ng lalake na ito!
"Holding you. Why?" Inosente niyang sagot. Napatingin ako sa kanya ng masama ng bumukas ang lift. Wala siya talagang pakialam kahit pag pyestahan na kami ng tao sa paligid.
"Hindi ko kailangan." Sagot ko ng makapasok kami. Mabuti nalang at kaming dalawa lang ang sakay ng lift. Hindi ko na yata kakayanin kung mayroon tao doon. Panibago na naman struggle iyon para sa akin.
"I know.. pero kailangan ko." Sagot niyang seryoso. Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya. He smirked and shrugged.
Hindi na ako nakapagsalita. Lately, mayroon mga sinasabi si Raj na hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Sa huli, ako pa din ang talo dahil natatameme ako.
Nang dumating kami sa floor kung nasaan ang office ni sir Brent ay medyo nakahinga na ako ng maluwag. Ito na yata ang pinaka- private na lugar dito sa building.
Naiisip ko nga na bakit nandito palagi si Raj? I know he has something to do here but being almost here all the time is unbelievable.
"Goodafternoon." Bati niya ng bumungad sa amin si Sir Brent kasama si sir Anton at dalawang lalaki.
Nakataas agad ang kilay ni Sir Brent sa akin habang balik balik ang tingin niya sa amin ni Raj.
"Uh, good- afternoon sir." Sagot ko na medyo nauutal pa. Umiwas din ako ng tingin dahil lahat ng tao doon ay naka-focus sa amin dalawa. Nakakairita pa dahil mukang wala naman pakialam si Raj sa kanila habang ako dito ay nag-struggle pa.
Umupo ako sa tabi ni sir Brent habang hawak ang Ipad. Dinig ng lahat ang buntong hininga ni Raj. Mabilis na napatingin sa akin si sir Brent habang nakangisi. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa kahihiyan.
Nagsimula na ang meeting nila. Halos lahat ay seryoso at halatang propesyonal. Tahimik akong nakikinig habang nag nonotes ng importante detalye ng meeting.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."