OS- Kabanata 10

3.6K 99 16
                                    

Raj

-School ka?

Napatigil ako sa pag kain ng makatanggap ng text kay Raj. Binaba ko ang bagel na kinakain ko at nagtipa.

To Raj

-Yes, why?

Isang buwan na simula ng magpunta kami ng Dubai ni Raj. Isang buwan na simula inamin ko ang nararamdaman ko sa kanya. He still the same, walang nagbago. Ganoon din naman sa akin.

Minsan, hindi ko lang mapigilan mailang tuwing nakikita ko siya at nagtatama ang mga mata namin. Hindi naman niya pinaramdam na nakakahiya ang pag-amin ko ng feelinga ko. Ako nalang din siguro ang nahihiya para sa sarili ko.

The thing is, I still have feelings for him. Pero ngaun ay alam ko kung hanggang saan nalang yung feelings na yun. I'm okay that I admitted it to him. Wala naman nawala sa akin. Atleast, naging totoo ako sa nararamdaman ko. I don't have any grudge on him though. Nagpakatotoo lang din naman si Raj sa nararamdaman niya. Which makes me admire him more.

Even though he breaks my heart, I'm still thankful na naging honest siya. Hindi niya ako pinaasa. Ganun naman talaga siguro. Siguro, kaya nga siya mabait sa akin dahil tinuring na rin niya akong pamilya. Siguro, dapat na akong makutento na ganun nalang kaming dalawa. Kahit papano kasama pa din ako sa mundo niya.

Raj

- I'll pick you later. Join me to the mall please.

To Raj

- okay

Sabi nga nila, dapat makuntento ka kung anong meron ka at kung anong kayang ibigay ng tao sa iyo. We shouldn't ask for more dahil tayo lang din ang aasa at mabibigo. Hindi tayo dapat maghangad ng bagay na hindi naman kayang ibigay sa atin. What he is giving me is too much. Masyado naman akong pinagpala if he will love me back.

"Are you done?" Salita ni Raffy habang nakakunot ang noo na nakatingin sa cellphone ko. Medyo napalundag pa nga ako dahil sa gulat.

"Ah-, yup!" I said awkwardly. Wala si Jace ngaun. Nag bakasyon din ang isa na yun sa mama niya sa Australia. Ang balita ko nga ay nagkita sila ni Alice.

"Gotica, bakit mo pa siya kinakausap?" Inosenteng tanong ni Raffy. Tinago ko ang cellphone ko at huminga ng malalim.

"At bakit naman hindi? You're so nosy!" Iritable kong sagot sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Raffy. Walang bakas ng kahit anong biro sa mukha niya. "He rejected you." Sabi niya.
How dare him!

There's this pain I felt pero binalewala ko. Hindi ko ito pwede mahalin at alagaan. Dumaan ang taon ay natuto ako. I'm used of being rejected by the people I loved. At dahil sa mga rejections na iyon, natuto ako ng mga bagay sa buhay. At higit sa lahat ay mas natutunan kong mahalin ang sarili ko at pahalagahan.

The only cure to that is acceptance. Kasi kung hindi ko tatanggapin ang kayang ibigay ng isang tao sa akin, masisira ako. Contentment and acceptance. Dalawang bagay na dapat natin matutunan.

Dalawang bagay na mahirap matutunan but will make your life happy. Believe me.

Rajan never promised anything to me. I don't have the audacity to get mad or anything coz' he rejected my feelings.
Sadyang ako lang ang nagmahal.

Through the years, until now, gradually.. I'm learning to accept the things that people can give me. Dahil doon, mas nagiging payapa ako.

"So ano gusto mo? Mag ampalaya ako? Magalit ako?" Umirap ako at dinampot ang bag sabay tumayo.

Raffy chuckled. " Ang init na naman ng ulo mo." Umakbay siya sa akin. Kahit na naiirita ako sa kanya ay hinayaan ko nalang.

I can't afford to lose another family because of my personal and unlimited life dramas. Isa si Raffy doon. I'm so thankful that I can tell anything to him without judging me. Perks ko na din na piniprotektahan niya ako sa lahat ng paraan. Hindi man maswerte ang puso ko. Maswerte ako sa mga taong nakapalibot at nagpapahalaga sa akin. Isang bagay na pinagpapasalamat ko pa din.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon