OS- kabanata 52

1.7K 44 2
                                    


Nakuha ko ang gusto pero hindi pa din ako masaya at wala akong kapayapaan nararamdaman sa sarili.

Mansion, pera, negosyo, bank account, lupain, mga mamahalin sasakyan, at ang airlines. Did I really win the battle? Miserable ngaun ang Camille Esquivel na tiningala ng lahat ng mahabang panahon. But then, Rajan save her from misery.

Kapalit ng kagustuhan ko maghiganti si Rajan ang nawala sa akin.

Hindi ko naman siya masisisi kung tinutulungan niya ang mama niya. Ito ang nakasama niya mula pagkabata at bumuhay sa kanya.

Through the days. My feelings just worsen. Akala ko kapag nakuha ko ang lahat ay mapapadali ang buhay ko. Akala ko lang pala. Handling those inherited businesses is giving me hardtime. Ano naman ang alam ko magpatakbo ng mga hotels at airlines?

Tinaboy ko sila. Raj only seeing me for our baby and nothing more. Siguro, talagang napagod na siya sa akin. Siguro, talagang wala na siyang pagtingin sa akin.

He's clever. Nagtayo ng sariling hotel at bumili ng mga yacht si Raj with his earning. He still on top. Iniwan niya Ang sa akin at bumuo ng sarili niya.

"You want me to help you?" si ate Reese. Siya lang ang hindi umalis sa tabi ko kahit halos itaboy ko na din siya noon. Napatingin ako sa kanya habang nag aayos ng pagkain sa hapag.

Ngumiwi ako at marahan tumayo. Nagbibilang nalang ako ng araw para manganak. Sa lahat ng pinagdaanan ko, siguro ay minanhid nalang ako nito. Nasasaktan ako but hindi ko ito hinahayaan na lamunin ako. Palagi Kong namimiss si Riley at si Rajan pero isinantabi ko na ito. I know he'a mad at me at Hindi ko siya masisira sa parte na iyon.

I still have my baby to be strong at to carry on. Araw- araw ay pinagdadasal ko din si Riley na sana ay gabayan ako. Na sana... Mawala na ang galit sa puso ko at maging maayos na ulit ang lahat.

Lumapit ako sa coffee table at kinuha ang mga reports. Sumasakit ang ulo ko sa mga ito dahil aminin ko man o hindi ay hindi ko ito naiintindihan. Gusto man gawin Ang best ko to continue my father's legacy ay sa tingin ko ay ako pa ang magpapabagsak dito.

Napabuga ako sa hangin. Pinagpatuloy ko ang pag aaral at may klase pa ako mamaya online. I need to study and reads some reports na hindi ko naman kayang intindihin. Hindi ko naisip na ganitong obligasyon pala ang haharapin ko. Maybe, everyone was right. Ngaun, kinukwestyon ko ang sarili ko kung worth it ba lahat na sa akin mapunta ito.

I'm still naive. Hindi pa ako maalam sa totoong mundo. Kulang pa ang lahat ng pinagdaanan ko para masabi na malakas at matatag ako.

Tumingin ako sa cellphone ko at malungkot na ngumiti. Rajan was always there for me. Pero ngaun kailangan ko siya ay wala siya. Pinagod ko si Raj. Pinagod ko siya sa pag intindi at pagsapo sa mga problema ko.

"Susubukan ko basahin. Kumain ka muna at magpahinga. Ako na bahala dito." salita ulit ni ate Reese sabay kuha sa kamay ko ng mga reports. Tumango nalang ako sa kanya at hinayaan siya gawin iyon.

Nagsimula ang klase ko aht inip na inip ako. Nakakaramdam pa ako ng matinding antok pero hindi ko pwedeng ipagwalang bahala.

Lumipas ang araw ay ganito ang stress ko araw araw. May mga ilan naayos si ate Reese kaya hinayaan ko nalang muna siya.

Lumabas ako sa kwarto para magtimpla ng gatas. Medyo sumasakit pa ang balakang ko marahil tanda na kahit anong araw ay manganganak na ako. Busy si Alice sa trabaho. I tried to reach out to her because she's my family. She forgave me but may nabago. Alam kong hindi niya gusto ang mga naging desisyon pero alam ko din na maiintindihan niya ako someday.

"Goodmorning, Icai." Bungad sa akin si attorney na umiinom ng kape sa sala. Medyo nagulat ako pero nakuha ko pa din siyang ngitian at batiin. "Goodmorning. Ano po ginagawa niyo dito?" Tanong ko.

Hinigop ni attorney ang kape niya at marahan na pinunasan ang bibig. "Well, so you know na hindi maganda ang takbo ng negosyo at airlines mo because you can't handle it well." Paunang sabi niya. Tumango ako sa kanya.

"I can see that Reese can help you handle it while you are studying and going to give birth." Sabi niya ulit. Tumango lang ako sa kanya.

"So, I just wanna suggest that if you want, you can sign a power of attorney that you are letting Reese to handle all your businesses while you are on leave. Manganganak kana diba? Stress will be not good for you." Mahabang sabi niya. Kumunot ang noo ko sa kanya. Bakit kailangan ng power of attorney? But then, alam ko na sinasuggest niya lang ito for the best. And she is absolutely right. Ate Reese can handle it all. Nevertheless, bakit parang may iba? Bakit parang Ang bigat? Alam Kong matutulungan ako ni ate Reese pero may parte sa akin na ayaw ito ibigay.

Pumayag ako sa gusto ni attorney. Sa ngaun, kung sa tingin niya na un Ang dapat ay susundin ko. Besides, ano Naman Ang alam ko? Maybe Tama siya na si ate Reese Ang makakatulong sa akin. Tinuloy ang pagtitimpla ng gatas kahit nawala na ang pagkagusto ko dito. Isang doorbell ang halos nagpalundag sa akin. Wala kase si ate Reese kaya wala akong kasama. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

Natigilan ako ng makita si Raj na seryosong seryoso na napatingin din sa akin. He is holding a basket of fruits at kung ano anong pagkain na nagpatakam sa akin. Humalimuyak ang pabango niya kaya medyo napapikit ako ng mariin.

"Pasok ka." sabi ko. Tumikhim si Raj at pumasok sa loob. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa malaki at namimilog na tyan ko.

"You are only counting days before giving birth right?" He asked. Tumango ako sa kanya. Dumiretso kami sa dining table at umupo s magkatapat na upuan.

Nakakabinging katahimikan hanggang nagtama ang mga mata namin. "How are you?" Tanong niya. Parang gusto kong umiyak at tumakbo payakap sa kanya. I missed him. His gentle voice that made me feel that I'm loved and cared. Gustong gusto kong yakapin siya at sumuko nalang sa kanya. But then, a little of my pride is overpowering me.

His eyes is showing emotions pero kita ko na nagpipigil siya." The airlines. I heard some problems. Can you handle it?" He asked again. Parang nabibingi ako. Wala akong maintindihan dahil siya lang ang tumatakbo sa utak ko. Kumunot ang noo ni Raj at tila ba napuno ng pag aalala.

"Gusto ko lang malaman mo na nandito ako, Gotica. We were apart pero mahal pa din kita at ang anak natin." He said. Tila ba sinisigurado niya ito. He wants me to feel at ease. Sa dami ng atraso ko sa kanya ay wala akong lakas ng loob magsalita. Natili akong nakatingin sa kanya.

Huminga siya ng malalim. Damang dama ko ang pag iingat at pagmamahal niya sa akin sa simpleng buka ng bibig niya at galaw ng mata niya.

"But then, I don't want to push you. I want you to heal and learn to forgive." Huminga ulit siya ng malalim. Nagkatitigan kami at nakitaan ko ng sakit ang mga mata niya.

"I guess it's the right thing to do. We need space for you to grow and for me to heal.  We are both not okay and I think we can only save ourselves being apart from now." He said seriously. Tuloy tuloy ang agos ng luha ko na hindi ko na napigilan.

Lumapit si Raj sa akin. Patuloy ang pag iyak ko. "Shhhh, hush down, baby. I love you." Salita niya sabay halik sa noo ko nagpakawala siya ng buntong hininga at mabilis akong tinalikuran.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon