OS- Kabanta 25

2.5K 55 7
                                    

Hindi ko alam kung paano ko natakasan si Rajan kagabi. Madaling madali ako magluto para mabilis lang  siya matapos kumain.

I even ignored Riley's call dahil alam kong kapag sinagot ko iyon sa harap niya ay mas lalo lang hahaba ang usapan. Mag aalas dose na ng umuwi si Raj. Sinubukan kong tawagan si Riley pero sabi ni Raffy ay nakatulog na kakaintay sa akin.

Ganun pa man, umuwi pa din ako at sumakay sa taxi. Panay pa ang text at paalala ni Raj pero inignora ko lang. I miss my Riley.

"Wake up, mama!" Munting boses ni Riley ang narinig ko. Marahan kong dinilat ang mga mata ko at mukha agad ng anak ko ang bumungad. He is all smiling at may hawak na mga papel na pinapakita sa akin.

"Look mama! Ang dami kong airplanes." Tuwang tuwa siya. Ngumiti ako at kinuha ang papel ng mga drawings niya. Namangha ako. Sa murang edad ni Riley ay hindi ako makapaniwala na ganito siya kagaling mag-drawing.

"Wow.. this is all good, baby. Where did you get your ideas?" I asked him, still looking at his drawings. Binuka ko pa ang isang braso ko para makahiga siya sa braso ko. Yumakap ako kay Riley ng humiga siya dito.

"Nothing mama. Naiisip ko lang." He said innocently. Tumango ako sa kanya.. hindi ko maiwasan humanga sa talento ng anak. Eto ang isang dahilan kung bakit gustong gusto ko magsikap.

I want to support my son. I want to give him everything he needs and if possible, also his wants.

Yumakap ako ng mahigpit sa anak at ganoon din si Riley. Inamoy amoy ko pa ang buhok niya at sunod sunod na hinalikan sa pisngi at noo.

Walang awat ang higikgik ng anak ko kaya ganoon din ako. I miss my baby everyday. Minsan lang ako mabakante kaya gusto ko na lahat ng bakante ko oras ay para sa kanya.

"Good that you're both awake. Kakain na." Salita ni Raffy. Nagulat pa nga ako dahil sa biglaan niyang pagpasok sa kwarto namin ni Riley.

"Hanggang ngaun hindi ka pa din marunong kumatok." Salita ko sa kanya sabay irap. Kinuha ko ang robe ko at binalot sa katawan.

Hindi gumalaw si Riley sa kama kaya nag taka ako. Palagi pa naman sabik si Riley basta oras na ng pagkain.

"Sorry naman. Namiss kita, ang tagal mo gumising." Sagot ni Raffy sa akin sabay kindat. Umirap sa kanya kaya tumawa siya ng malakas. Ayan na naman ang paglalandi niya sa akin. Hindi ba siya nagsasawa? Kahit palagi ko siyang sinusungitan o binabara ay hindi talaga siya nagsasawa.

"It's me and mama time tito Raffy! Storbo ka." Masungit na sabi ni Riley. Natahimik kami ni Raffy at sabay napatingin sa anak at pareho kaming hindi makapaniwala.

"Woah.. wait up lil boy. I didn't know." Ngumuso si Raffy at umarte na nagtatampo.

Pabalik balik ang tingin ko sa dalawa. Nakita ko kung paano umirap si Riley at nagpakawala ng buntong hininga.

"What to do? Come on mama! Lets eat." Salita ni Riley. Napakunot ang noo ko. Para kasing walang gana ang anak na kumain.

Nauna na silang lumabas ni Raffy. Inayos ko pa kase ang sarili ko at nagpalit ng damit. Ayoko naman kase humarap sa kanila na naka roba lang at pantulog.

Pagdatig ko sa dining ay naubutan ko din si Alice. Kakatapos lang ng tawagan nila ni Jace sa Facetime kaya nabaling ang atensyon niya sa akin.

"Girl, blooming ka. Kamusta ka naman." Salita niya. Kumunot ang noo ko sa kanya dahil ramdam ko na may halong intriga ang tanong niya.

Hay nako! Alam na alam ko ang ugali ni Alice kaya wag ako.

"Hindi naman. Lagi lang siguro ako nasa aircon." Sagot ko. Siya kaya ang blooming. Well, palagi naman maayos at maganda si Alice. One thing I envy her. Kahit ano mangyari ay hindi iyan nagpapabaya sa sarili.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon